-
Ano Ang Contactless Payment: Ang Ginhawa Na Dulot Nito Kasama Ang Hygienic Benefits
Convenient ito sa pagbabayad at karagdagang pag-iingat sa coronavirus.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments
Mainam na subukan ang contactless payment ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. Bukod kasi sa direct transmission, kung saan makukuha ang coronavirus kapag direktang naubuhan o nabahingan ng may sakit, maaari ding mahawa sa pamamagitan ng paghawak sa mga kontaminadong mga bagay.
Isa ang pera — papel man o barya — sa mga bagay na madaling kapitan ng virus dahil naipapasa ito sa ibang tao. Hindi rin makakaligtas sa credit at debit card dahil tradisyunal itong inaabot sa cashier para magawa ang transaksyon. Pagkatapos, ipapasok ang PIN at, kung minsan, pipirma pa.
Mainam na ang nag-iingat, di ba? Sa contactless payment, maiiwasan ang pagkakalapit ng magbabayad sa pagbabayaran nito.
Ano ang contactless payment
Isa sa mga unang gumamit ng contactless payment ang South Korea noong 1995, ayon sa Investopedia. Para mapadali ang pagbabayad ng pamasahe sa bus, ita-tap lang ng mga pasahero ang tinatawag nila doon na UPass card pagpasok sa sasakyan. Sumunod ang American oil company na Mobil sa ganitong sistema sa pagbili naman sa gas station.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKalaunan, naging popular ang contactless payment system sa United Kingdom at iba pang bansa, lalo noong umunlad ang technology na ginamit naman ng mga kompanya ng credit card at mobile phone. Ang financial firm na Europay at credit card companies na Mastercard at Visa, halimbawa, ay pinagtulungan ang paglulunsad ng EMV smart cards na malawakan na ngayong ginagamit ng mga bangko at iba pang credit card companies.
Ang credit at debit card na sang-ayon sa EMV smart card standard ay mayroong microchip at EMV contactless symbol. Kapag magbabayad na ng mga ipinamili, hanapin lang ang ganoong simbolo sa payment terminal. Kapag handa na, itapat lang dito ang card nang di kalayuan sa 2 inches. Magbibigay ito ng senyales — beep, green light o check mark — kung tanggap ang card at tapos na ang transaksyon.
Ang iba pang paraan ng contactless payment ay gumagamit ng radio frequency identification (RFID) technology o di kaya near-field communication (NFC), at mayroon din sa pamamagitan ng mobile phone. Kailangan lang i-download ang mobile app mula sa Google Play o App Store at puwede nang gamitin ang mga tinatawag na electronic wallet (e-wallet) at digital wallet.
CONTINUE READING BELOWwatch nowPayMaya
Maituturing na first prepaid online app ang PayMaya bilang tugon sa pangangailangan ng mga walang credit card. Kailangan lang ng hindi bababa sa P100 na pondo para makagawa ng PayMaya account at magsimulan ang paggamit ng virtual card. Maaaring dagdagan ang pondo mula sa online bank transfer o pagpunta sa remittance at business center, maging sa supermarket at convenience store.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHigit pa sa pagbayad sa mga napamili, kabilang ang discounted mobile prepaid load at utility bills, maaaring gamitin ang PayMaya para makapagpadala ng pera kaninoman. Ito ay dahil may kakayanan ang virtual card para magamit sa bank transfer, Smart Padala, at Palawan Pawnshop.
GCash
Bagamat ang GCash ay produkto ng Globe Telecom, puwede itong magamit kung subscriber ng ibang telecom network. Mag-register lang sa GCash app o website. Madadagdagan ang pondo sa pamamagitan ng pag-deposito ng pera sa bangko, over-the-counter man o online banking, at kung may overseas remittance na darating.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung kailangan naman ng cash, maaaring ma-withdraw ang GCash load mula sa ATM at over-the-counter bank transaction. Magagamit ang GCash sa pag-shopping, pagbili at paghiram ng mobile phone load, pagpapadala at paghingi ng pera, pagbayad ng bills, at iba pa.
Basahin dito ang step-by-step guide paano gamitin ang GCash.
GrabPay Card
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMula sa paghahanap ng masasakyan, lumawak na ang sakop ng kumpanyang Grab sa food delivery at payment solutions. Nakipagtulungan ito sa Mastercard para sa “digital-first prepaid card” na naglalayon na maghatid ng ligtas at walang hirap na paraan ng pagbabayad nang hindi gumagamit ng pisikal na pera (cashless payments).
Kapag mayroon nang Grab app sa mobile phone, i-upgrade lang ang GrabPay wallet sa pamamagitan ng in-app verification. Pindutin ang “Payment” icon sa ibabang bahagi ng home screen. Siguraduhin na activated at upgraded ang GrabPay Wallet. Pagkatapos pindutin ang “Get your GrabPay Card now” para makita ang detalye na nakapaloob sa card. Ipasok ang PIN para sa security ng card, at puwede na itong gamitin.
Sa pagbili alin man sa halos 53 million na merchants na tumatanggap ng Mastercard credit at pagbayad ng utility bill, makakaipon ng GrabRewards, na siya namang magbibigay ng ilang benepisyo para sa subscriber. May hatid pa itong mobile protection insurance para sa pagbayad ng mobile postpaid phone bill at pati na e-commerce protection para naman sa mga online purchase na hindi dumating o may sira.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments