-
Madaling Bills Payment At Pera Padala: Step-By-Step Guide Sa Paggamit Ng GCash
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Maraming mga bagay na ngayon ang pwede nating gawin online—mula sa pag-order ng mga essentials para sa ating pamilya, hanggang sa pagbabayad ng bills, at pag-aayos ng ating mga finances. Sa katunayan, may ilan pa nga sa atin na online na rin pati ang trabaho.
Ngayon ngang bahagi na ng tinatawag na 'new normal' ang social distancing at pananatili sa loob ng bahay, mas lalo pang kailangan nating humanap ng mga paraan para iwasan o limitahan ang pagpunta natin sa labas.
Isa sa mga maaaring gamiting paraan ay ang pagtangkilik sa cashless transactions na pwede mong gawin sa mga e-wallet o electronic wallet tulad ng GCash.
Ano ang GCash?
Ito ay isang mobile app na pwede mong gamitin para bayaran ang iyong bills, bumili ng mga goods at services, magpadala ng pera, at marami pang iba.
Paano gamitin ang GCash?
Step 1: I-download ang app sa iyong smartphone
Makikita mo ito sa Play Store kung Android ang gamit mo at sa App Store naman kung iOS.
Step 2: I-verify ang iyong account
Mayroong tatlong levels of verification ang GCash App: Basic Level, Semi-Verified, at Fully Verified.
Kapag Basic Level ang verification ng account mo, pwede mong gamitin ang app para sa mga ito: Offline Cash In, Pay Bills, Buy Load, AMEX Virtual Party, at Pay QR.
May mga karagdagang features naman na pwede mong gamitin kung Semi-Verified ang account mo. Kabilang dito ang: GCash Mastercard, Send Money, Cash Out, at Request Money.
Narito ang mga levels ng account verification.PHOTO BY Ana GonzalesADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung Fully Verified ang account mo, pwede mong gamitin ang iyong GCash app para sa lahat ng naunang nabanggit kasama na rin ang: Card Transactions, Invest Money, GCredit, Online Cash In, at International Remittance.
Para maging Fully Verified, kailangan mo lang mag-upload sa app ng larawan mo at ng isang government ID.
Mababasa mo sa app na mayroon silang verification process dahil bahagi ito ng mga requirements na hinihingi ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga financial institutions. Ito's para masigurong walang mangyayaring ano mang krimeng pinansiyal habang ginagamit mo ang app.
Step 3: I-verify ang iyong email
Para makumpleto ang iyong registration, kailangan mong i-verify ang iyong account sa pamamagitan ng email. Pagkatapos lang ng ilang segundo na magawa mo ito, pwede mo nang gamitin ang iyong GCash app!
Step 4: Magtalaga ng MPIN
Ito ang tutulong sa iyo para masigurong ikaw lang ang makakagamit ng GCash app mo. Apat na numero lang ang kailangan. Siguraduhin mong pipili ka ng PIN na hindi madaling hulaan.
Maging wais sa pagpili ng iyong PIN para hindi ito mahulaan ng iba.PHOTO BY Ana GonzalesADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosHuwag mong gamitin ang birthday mo o birthday ng sino mang kaanak mo para hindi ito agad mahulaan kung sakali mang may makakuha ng cellphone mo.
Step 5: I-link ang iyong bank accounts
Kung gumagamit ka ng online banking, pwede mong i-link sa GCash app mo ang mga bank accounts mo. I-click lang ang Cash In, at saka pindutin ang "Manage" na makikita mo sa tabi ng "My Linked Accounts." Pagkatapos ay pwede ka nang pumili kung alin doon ang account o accounts na mayroon ka.
Pwede mong i-link ang alin man sa mga accounts na ito.PHOTO BY Ana GonzalesPaano maglagay ng pera sa GCash?
Mayroong dalawang paraan: online banking at over-the-counter.
Step 1: Pindutin ang Cash In na makikita mo sa home page ng app
Step 2: Piliin kung online banking o over-the-counter
Kung online banking ang napili mong paraan, piliin mo lang ang banko kung saan magmumula ang perang gusto mong ilipat sa iyong GCash app.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung over-the-counter naman, pwede mong tignan ang listahan ng mga cash in at cash out partners ng GCash. Makikita mo ito sa mismong app. Pwede mo ring tignan sa website na ito.
Paano magpadala ng pera?
Step 1: Pindutin mo lang ang Send Money na makikita mo sa home page ng app
Step 2: Pumili sa tatlong options ng pagpapadala (GCash to GCash)
Narito ang mga pagpipilian mo: Express Send, Send with a Clip, at Send Ang Pao.
Marami kang pagpipilian pagdating sa pagpapadala ng pera.PHOTO BY Ana GonzalesExpress Send ang pinakamadaling paraan para makapagpadala ng pera sa iba. Ilagay mo lang ang mobile number ng padadalhan mo at piliin ang halaga na gusto mong ipadala.
Hindi ito exclusive para sa mga Globe subscribers. Ano man ang mobile number mo, kung mayroon kang GCash account, pwede kang magpadala ng pera.
Mas masayang option naman ng pagpapadala ng pera ang Send with a Clip. Pwede ka kasing magsama ng photos at 10-second videos sa perang ipapadala mo. Mayroon ding mga stickers at doodles na pwede mong idagdag sa padala mong pera. Kung wala ka namang larawan o video, pwede kang magpadala ng 60-second audio clip o 'di naman kaya ay pumili sa mga themes na available—bagay ang mga ito ano man ang okasyon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMarami pang designs na pwedeng pagpilian!PHOTO BY Ana GonzalesKung gusto mo namang sorpreahin ang mga mahal mo sa buhay, pwede mo silang padalan ng GCash Ang Pao. Maraming designs ng Ang Pao na pwede mong pagpilian. Pwede ka ring magpadala ng Ang Pao sa maraming tao.
Pwede ka ring magpadala ng pera direkta sa banko.
Paano gamitin ang GCash para ipambili ng load?
Step 1: Pindutin mo lang ang Buy Load na makikita mo sa Home page ng app
Step 2: Ilagay mo ang number na gusto mong lagyan ng load
Pwede ito sa ano mang mobile network.
Sa bawat load mo, mayroon kang makukuhang rebates—kung Php10 ang ni-load mo, Php9.50 lang ang babayaran mo.
Makakatanggap ka ng mensahe na nakatanggap ka ng load o naloadan mo ang number. Makakatanggap ka rin ng notification tungkol sa rebate mo.
Paano magbayad ng bills sa GCash?
Step 1: I-click mo lang ang Pay Bills na makikita mo sa home page ng app
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWStep 2: Idagdag ang mga billers mo sa My Saved Billers
Piliin mo lang ang mga billers mo mula sa listahan at ilagay ang lahat ng mga hinihinging impormasyon. Pwede mo rin itong lagyan ng reminder, para makasiguro kang hindi mo makakalimutang magbayad ng bills.
Narito ang categories ng mga billers na mayroon.PHOTO BY Ana GonzalesPwede ka ring pumili mula sa Biller Categories. Naroon ang lahat ng mga billers, mula sa electric utilities hanggang sa healthcare, insurance, at transportation.
What other parents are reading
Iba pang GCash features:
Invest Money
Pwede ka nang mag-invest sa iba't-ibang investment funds sa pamamagitan ng iyong GCash app. Sa katunayan, pwede kang mag-invest kahit halagang Php50 lang.
Maaari ka ring magtalaga ng reminders para hindi mo makalimutan na maglagay sa iyong investments.
Dito mo naman makikita ang iyong mga investments.PHOTO BY Ana GonzalesADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMadali mong mamo-monitor ang iyong investments sa pamamagitan lamang ng iyong GCash app. Pwede mo ring i-redeem ang investment mo ano mang oras mo gusto.
Magandang feature ito dahil matututo kang ilagay ang pera mo kung saan ito lalago.
Step 1: Kumpirhamin ang iyong email address.
Step 2: Piliin kung anong uri ka ng investor.
Sa pamamagitan ng pagsagot sa ilang mga katanungan, lalabas kung anong klase kang investor.
Magkano ang kinikita mo? Ano ang pinagmumulan ng iyong mga funds? Para saan ang iyong investment? Magkano ang nakikita mong gusto mong i-invest? Gaano kadalas kang magi-invest. Ilan lamang ito sa mga katanungang sasagutin mo para makita mo kung anong klaseng investor ka.
Step 3: Piliin kung ikaw ay U.S. Citizen
Step 4: I-check kung tama ang iyong mga sagot bago i-submit
Makakatanggap ka ng kumpirmasyon sa text at email.
Paano mapanatiling secured ang iyong GCash account?
Tandaan na maparaan ang mga kawatan at gagawin nila ang lahat para lang makapanloko ng kanilang mga kapwa. Narito ang mga kailangan mong gawin para mapanatiling secured ang iyong GCash account:
Huwag ibigay kahit kanino ang iyong password at PIN
Huwag na huwag kang magtitiwala agad sa sino mang makikilala mo online na hihingi ng iyong mga GCash details tulad ng iyong MPIN at One-Time-Password.
Huwag magpadala sa mga phishing emails
Iwasang maniwal agad sa mga emails na matatanggap mo at hihikayatin kang mag-click ng mga link o magbigay ng iyong mga personal na impormasyon. Magbasang mabuti at magtalaga ng sapat na panahon para maintindihan mo ang iyong binabasa. Kung hindi ka sigurado, pwede kang tumawag sa Globe hotlines.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHuwag makipag-transact kung kani-kanino
Kung bibili ka man online at magbabayad sa pamamagitan ng GCash, ugaliing kilatising mabuti ang mga pinagbibilhan mo. Humingi ng mga karampatang IDs o i-video call pa ang kausap para makasigurong lehitimo ang bibilhan mo.
Ilan lamang ang mga pamamaraang iyan para masiguro mong hindi mapapasakamay ng masasamang loob ang perang pinaghirapan mo.
Nakagamit ka na ba ng GCash? Para saan mo ito kalimitang ginagamit? Kumusta ang iyong experience? I-share na iyang sa comments section.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments