embed embed2
  • Magpapa-Check Up? Pwede Kang Kumonsulta Online Sa Philippine Medical Association

    Makakakuha ka ng agarang sagot tungkol sa iyong medical concerns mula sa doktor
    by Lei Dimarucut-Sison .
  • PHOTO BY @LightFieldStudios/iStock

    Sa gitna ng COVID-19 pandemic, inilunsad ng Philippine Medical Association (PMA) ang isang online medical consultation platform, ang docph.org, para sa kapakanan ng mga pasyente na hindi makapunta sa ospital para magpatingin sa espesyalista. 

    Ayon kay Dr. Benito Atienza, Vice President ng PMA, nasa 100 doktor na ang sumali sa proyektong ito at inaasahang mas marami pa ang susunod.

    "The patients can visit the website, and click the button for consultations. There will be 12 questions to be asked on medical history, at madali lang naman po ito sagutan,” sabi ni Dr. Atienza sa panayam sa kanya ng programa sa radyo ng Dobol B.

    What other parents are reading

    Siniguro din ni Atienza na mananatili ang confidentiality ng konsultasyon sa pagitan ng doktor at pasyente. 

    Maaring kumonsulta online ang sinuman sa pamamagitan ng website na http://docph.org/ mula alas-9 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi, araw-araw.

    Maari din daw silang magbigay ng reseta sa pasyente kung kinakailangan, sa pamamagitan ng Facebook Messenger. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Tinatanggap naman po iyon sa mga botika. 

    "Katulad ko po, pediatrician, minsan po ang bata may rashes, may kaunting ubo o sipon na hindi naman na kailangan dalhin sa ospital,” dagdag pa niya.

    Makakapagbigay din daw sila ng payo ukol sa susunod na hakbang, ayon sa nararamdaman ng pasyente. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "Kung halimbawa po kailangan ng obstetrician, maire-refer po namin sila sa ospital kung saan sila malapit nakatira.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles