Tagalog,bank,bank account,bank accounts,online banking,gotyme,New Digital Bank Where You Can Set An Account In Under 5 Minutes,bank teller,financial institution,robinsons bank,banker,checking account,savings account,bank stocks,online bank,how to create bank account,digital bank,how to online banking,New digital bank in the Philippines, GoTyme, offers fast account registration, no maintaining balance, and free cash in, cash out services.
LifeMoney

ALAMIN: Online Bank Na Walang Maintaining Balance At Libreng Cash In, Cash Out

Online bank with no maintaining balance, free bank transfers weekly, high annual interest, and quick account set-up!
PHOTO BYangela baylon

Pagkakaroon ng extra income at pag-iipon ang ilan sa mga madalas na maging patok na pag-usapan sa Facebook page ng Smart Parenting, maging sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

Hindi ito nakakapagtaka lalo't malaking aspeto ng pagbuo ng pamilya ay may kinalaman sa financial capability ng mag-asawa.

Noong 2021, higit kalahati na ng mga Pilipino o 51% ang mayroong bank account, ayon sa Global Findex 2021 database. Malaking pagtaas ito kumpara noong 2017 kung saan 37% lang ng mga Pinoy ang may access sa bangko.

BASAHIN: 5 Bank Accounts Na Mayroon Dapat Ang Iyong Pamilya

Bagamat mas maraming Pilipino na ang may bank account ngayon, nanatili ang malaking porsiyento na dapat pang maabot ng financial service na ito na layong matulungan ang mga indibidwal na mas maingatan at mapalago ang perang kanilang iniipon.

Ano Ang GoTyme Digital Bank?

Ito ang nais na masolusyunan ng pinakabagong digital bank sa Pilipinas na, GoTyme Bank na nabuo mula sa partnership ng Gokongwei Group sa Pilipinas at Tyme, ang kauna-unahang digital bank sa South Africa.

Batid ng GoTyme ang mga madalas na rason ng ilang Pilipino kung bakit hanggang ngayon ay wala pa silang bank account. Sa aming Facebook page, ilan sa mga nababanggit na dahilan ng mga nanay at tatay ay ang matagal at maraming requirements sa pagbubukas ng account sa mga tradisyunal na bangko.

Gayundin, ang malaking halaga na kailangan ilabas bilang initial deposit at maintaining balance. Pero sa GoTyme Bank, hindi ito kailangan.

Paano Magkaroon Ng Account Sa GoTyme Bank?

Gaya ng nabanggit, mas mabilis at walang initial deposit o maintaining balance na kailangan sa GoTyme Bank. May dalawang paraan upang makapagbukas ng account sa digital bank na ito.

1. Via App

  • I-download ang app sa inyong Android o iOS smart phone.
  • I-register ang inyong pangalan, birt date, trabaho, at iba pang impormasyon.
  • Isang valid ID lang ang kailangan na i-scan sa app.
  • I-scan ang iyong mukha upang masiguro ang iyong identity. Paraan dito ito upang masiguro ng GoTyme na maiiwasan ang mga posibleng kaso ng fraud.
  • Matapos ang lahat ng mga naunang hakbang maaari nang makita ang iyong digital card na naglalaman ng iyong card number, expiry date, at security code na magagamit tuwing magkakaroon ng transactions online gaya ng online shopping o online payments. (Maaaring makuha ang physical card sa mga GoTyme Self-Service Kiosks)

2. Via GoTyme Self-Service Kiosks

article image
GoTyme Bank's self-service kiosk kung saan maaaring mag-register ng account at makuha ang physical debit card sa loob lang ng 5 minuto.
PHOTO BY angela baylon

Sa launch event ng GoTyme Bank na ginanap noong October 20, 2022, nabanggit na mayroon nang 15 GoTyme Self-Service Kiosks ang makikita sa mga Robinsons establishments at magiging 226 pa ito bago matapos ang taon. Sa mga kiosk na ito, madaling makakagawa ng account ang maraming Pilipino.

watch now

Gaya ng sa app, makokolekta sa mga kiosk ang pangunahing impormasyon ng user mula sa pangalan at valid ID na kanilang i-scan. Ang kagandahan pa ay wala pang 5 minuto ay maaari nang i-print ng machine ang debit card ng bank user nang libre at walang additional fee.

Perks And Rewards

Bukod sa mas hassle-free at cost-friendly na pagbubukas ng bank account, marami pang benefits ang pinapangako ng GoTyme Bank sa kanilang mga user tulad ng mga sumusunod:

1. FREE cash in and cash out sa mga Robinsons supermaket partners

2. Up to 3% interest rate annually

3. User-friendly and easy to navigate app

4. Earn reward points when shopping with partner brands

5. Earn 3x Go Rewards when you pay using GoTyme account

6. Convern reward point to cash instantly

7. 3 FREE bank transfers weekly

Present din sa launch ng GoTyme Bank ang Mom Squad members na sina Mommy Victoria Dang at Joselle Ona at ito ang kanilang masasabi tungkol sa bagong online bank.

article image
Mom Squad members Victoria Dang at Joselle Ona sa launch ng GoTyme Bank.
PHOTO BY angela baylon

"It's too good to be true but it's TRUE! Next level banking talaga dahil malaking help ito sa mga mommies na walang yaya at kailangan gumawa ng errands. Dahil online, seamless, real time at safe ang transactions. Sobrang okay at malaking tulong din ang rewards na makukuha sa paggamit nito. Talagang makaka-save ka!," pagbabahagi ni Mommy Victoria.

Agree dito si Mommy Joselle. Aniya, "True value! I shop for the whole family and kids and it's great to earn rewards you can turn to cash when shopping, instant saving na agad!"

Maaaring bisitahin ang https://www.gotyme.com.ph/ para sa iba pang detalye.

Dapat na bang magkaroon ng bank account ang iyong anak? Basahin dito ang masasabi ng isang nanay na nagtatrabaho sa bangko.

Related articles:

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close