embed embed2
  • Narito Ang Mga 'Ipon Challenge' Na Pwede Mong Subukan Sa 2020

    Hindi pa huli ang lahat para gawin ang mga ipon challenge na ito.
    by Vienna Mae Urbiztondo .
Narito Ang Mga 'Ipon Challenge' Na Pwede Mong Subukan Sa 2020
PHOTO BY iStock
  • Siguradong maraming mahahalagang bagay ang natutunan mo sa nakaraang taon. Ngayong namang 2020, marahil ay may mga hangarin kang pinaghahandaan. Maaaring gusto mong mag-travel kasama ang iyong pamilya o 'di naman kaya ay gusto mong mag-simula ng iyong bsariling business. Ano man ang iyong intensyon ngayon taon, mahalagang paghandaan mo ito. 

    Kung usaping financial freedom naman, magandang simulan mo ang iyong taon sa pamamagitan ng pag-paplano ng iyong budget—ayon kay Chinkee Tan, isang kilalang wealth coach. Tandaan, mas mainam kung sisimulan mo ito nang maaga.

    What other parents are reading

    Paano ba uumpisahan ang pag-iipon?

    Ayon sa Entrepreneur , may mga mabisang paraan paano makakapag ipon ng hindi namamalayan. Narito ang ilan sa kanilang listahan:

    I-automate ang savings

    Maraming mga bangko ang nag-ooffer na ng ganitong paraan ng pag-iipon. Huwag mag-alala dahil ikaw pa rin ang mismong mag-tatalaga ng halagang ibabawas sa iyong bank account at pupunta sa iyong savings account. Sa ganitong paraan, hindi mo na kailangan pang mag-punta sa bangko buwan-buwan para mag-deposito ng ipon mo. Maganda rin ang ganitong paraan ng pag-iipon dahil hindi mo makakalimutang mag-hulog.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Taasan nang paunti-unti ang savings

    Habang tumatagal, dapat ay tumataas ng pakonti-konti ang halaga na itinatabi mo. Sa ganitong paraan, mas mapapadali ang pag-abot mo sa iyong mga goals.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Itabi ang mga barya

    Halimbawang mayroon kang mga sukling lima o sampung piso, maaari mo itong itabi sa isang alkansya araw-araw. Barya ang isa sa mga pinakamadaling ipunin. Hindi mo namamalayan, nakakapuno ka na pala ng isang garapon o alkansya. Paminsan-minsan, pwede ka ring maghulog ng bente o singkwenta pesos—basta ang baryang naiwan sa iyong bulsa o wallet. Ang mga loose change na ito ay maaari mong ipandagdag sa iyong savings.

    What other parents are reading

    Itabi sa bangko ang mga natatanggap na monetary bonuses

    Kung sa mga nakaraang holiday seasons ay hindi mo itinabi ang iyong nakuhang bonus, ngayong taon, mas magandang ilagay mo agad ito sa bangko at isiping ang halagang ito ay extra at hindi mo pwedeng gastusin para sa mga luho. Ang paglalagay mo nito sa iyong savings ay isang magandang paraan para maiwasan kang gastusin ito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isama sa budget ang savings

    Huwag mong isiping option lang ang pagtatabi ng pera. Hanggat maaari, i-prioritize mo ang pag-iipon. Kailangan mong isama sa budget ang iyong savings—isipin mo na lang, binabayaran mo ang iyong sarili.

    What other parents are reading

    Magkaroon ng healthy competition kasama ang iyong asawa

    Para maging mas madali ang pag-iipon, makakatulong kung gagawin mo itong isang challenge kasama ang iyong asawa. Pwede kayong mag-paramihan ng maiipon sa isang taon o 'di kaya ay mag-paliitan ng nagastos. Sa ganitong paraan, mas mamomotivate kayo parehong mag-ipon.

    What other parents are reading

    Anu-anong mga ipon challenge ang pwedeng gawin ngayong 2020?

    52-Week Money Challenge

    Para sa challenge na ito, kailangan magtabi ng pera kada linggo simula sa unang linggo ng taon hanggang sa huling linggo ng taon. Ang pinagkaiba lamang nito sa normal na pag-iipon ay kailangang doblehin o kaya naman ay dahan-dahang taasan ang halagang itinatabi bawat linggo hanggang sa matapos mo ang 52-week money challenge.

    Pwede mong mong simulan sa maliit na halaga ang money challenge na ito. Pero kung gusto mong malaki ang maipon sa mga huling linggo, pwede kang magsimula ng malaki.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kailangan lang na malinaw ang  goal mo sa iyong pag-iipon. Magkano ang kailangang maipon mo at para saan ito? Dahil ito ang magiging motivation mo para makumpleto ang money challenge na ito.

    What other parents are reading

    Piggy Bank Challenge

    Hindi lang mga bata ang maaring mag-ipon sa kanilang mga piggy banks—kahit ang mga nanay at tatay, pwede ring gumamit nito sa pag-iipon. May tatlong uri ng Piggy Bank Challenge.

    Una ay ang White Piggy Bank. Dito, kailangan mong gastusin ang perang naipon mo sa pagtatapos ng taon. Para lang ito sa mga short-term goals tulad ng perang pang-travel o hindi kaya ay pambili ng mga gamit sa bahay at iba pa.

    Pangalawa ay ang Hot Air Balloon Piggy Bank. Ito naman ang perang para sa mga long-term goals. Tulad ng hot air balloon, nakalutang lang ito at wala pang nakalaang pagkakagastusan para sa ano mang halagang naipon mo. 

    Pangatlo ang Basketball Piggy Bank. Maaring palitan ang label ng piggy bank na ito depende sa mga long-term goals na nais mong makamit, tulad ng college fund ng inyong anak o kaya naman ay para sa dream house o dream car ng inyong pamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang kagandahan ng tatlong uri ng piggy bank challenge na ito ay natutunan natin ilaan ang ating mga pera para sa ating mga short-term at long-term goals.

    What other parents are reading

    No-Spend Savings Challenge

    Para maging matagumpay sa money challenge na ito, kailangang siguraduhin mong hindi ka gagastos ng kahit anong halaga para sa mga luhong katulad ng panonood ng sine, pagbili ng milk tea o kape sa mga cafes o 'di kaya ay pagbili ng mga mamahaling damit at gamit sa loob ng isang buwan o isang taon—depende sa iyo. 

    Maaari ka ring mamili ng isang specific category. Halimbawa, ngayong taon, sa loob ng 365 days, hindi ka bibili ng milk tea. Sa halip, iipunin mo ang perang ipambibili mo nito. 

    Kung sa tingin mo ay mahihirapan kang umiwas sa pag-gastos, humingi ka ng tulong sa iyong asawa o kaibigan para paalalahanan kang huwag bumili ng napili mong isakripisyo. Sa ganitong paraan, maiiwasan mong bumili ng hindi mo kailangan at sa halip ay maitatabi mo ito bilang ipon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maganda ding gawin na sa tuwing naiiwasan ang pagbili ng mga luho, ang halagang natipid ang mismong itatabi at idadagdag sa savings account.

    What other parents are reading

    Weather Saving Challenge 

    Weather Wednesdays Savings Challenge

    Nagsimula ito sa budgeting blogger (Instagram: @sunburntsaver) mula sa Arizona. Ayon sa kanya, tuwing Miyerkules, kung ano man ang temperatura, iyon din ang halagang itatabi niya sa araw na iyon sa kanyang savings account. Umaabot kasi ng 99 hanggang 100 degrees celcius ang temperatura sa kanila. Ibig sabihin, sa ganitong halaga umiikot ang naitatabi niya sa isang linggo. 

    Pwede mong subukan ito dito sa ating bansa. Ngunit dahil umaabot lang ng 25 hanggang 31 degrees celcius ang temperatura dito sa atin, pwede mong gawin ang challenge na ito araw-araw. Kung anong temperatura sa araw na ito, iyon ang halagang itatabi mo. 

    Ang mga nabanggit na ipon challenges na ito ay kayang-kayang mapagtagumpayan ng kahit sino. Kahit pa magsimula ka sa maliit na halaga, ang importante ay ginagawa mo ang lahat ng iyong makakaya para makapag-ipon. Tandaan, bawat maliit na halaga, kapag pinagsama-sama ay kalaunan magiging malaki rin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles