embed embed2
  • Bakit Malaki Pa Din Ang Credit Card Bill Mo Kahit Nagbabayad Ka Ng Minimum Amount Due

    Bayad ka ba nang bayad pero di maubos ang utang?
    by Lei Dimarucut-Sison .
Bakit Malaki Pa Din Ang Credit Card Bill Mo Kahit Nagbabayad Ka Ng Minimum Amount Due
PHOTO BY @skywaytoheaven/iStock
  • Bukod sa COVID-19, may isa pang kinatatakutan ang mga tao ngayon: ang due date ng mga bills: kuryente, tubig, credit card. Buti na lang at nagbigay ng grace period ang mga utility companies  bunsod ng enhanced community quarantine.

    Sa credit card bill mo, napansin mo ba na dalawa ang nakalagay na "amount due"? May Total amount due at Minimum amount due. Hindi yun 'pick the lower number,' ha? Kung nalilito ka kung ano ang pagkakaiba ng dalawa, heto ang paliwanag para hindi ka mabaon sa utang.

    Ang Total amount due ay ang kabuuang halaga na kailangan mong bayaran sa due date. Kapag binayaran mo ito nang buo, wala kang babayarang interes bukod doon sa mga binili mo gamit ang credit card.

    Ang Minimum amount due ay maliit na bahagi ng iyong total amount due—kadalasan nasa 2% o 3% lamang—kaya karamihan ay ito na lamang ang kanilang binabayaran. Katwiran nila, nababayaran naman nila ang minimum amount due kaya okay na sila. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Totoong pwede naman kahit minimum amount due lang ang iyong binabayaran. Walang mangungulit tumawag na credit card company sa iyo. Pero baka magsisi ka sa huli—kahit maliit sa tingin mo ang perang inilalabas mo kada buwan, malaki ang interes na babayaran mo sa kalaunan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kasi, nagbayad ka nga ng minimum (3% ng total bill) pero alam mo ba kung ano ang mangyayari sa natitirang 97% na hindi mo binayaran? Papatungan ang natirang halaga ng interes na kailangan mo ring bayaran sa susunod na buwan. Ganoon nang ganoon kada buwan, at mababaon ka na sa utang.

    What other parents are reading

    Ang dapat gawin para hindi lumaki ang credit card bill

    1. Gamitin ang card nang tama.

    Siguraduhing ang icha-charge mo sa iyong credit card ay iyon lamang katumbas ng cash na mayroon ka, para kaya mo itong bayaran nang buo.

    2. Bayaran ang total amount due kada buwan.

    Tandaan, lalaki nang lalaki ang utang mo kapag hindi mo ito binabayaran nang buo -- sayang yung perang napupunta sa interes! 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa Investopedia, nasa 10% hanggang 29% ng interes sa credit card ang nase-save mo kapag nagbayad ka nang mas mataas sa minimum amount due mo. 

    3. Makipag-usap sa iyong credit card company kung hirap kang magbayad.

    Kung hindi mo pa kayang magbayad nang buo, makipag-usap ka nang maayos. Huwag mo silang pagtaguan. Siyempre, ang gusto nila ay mabayaran mo sila, kaya kung may maayos kang mungkahi kung paano mo babayaran ang iyong utang, malamang ay papayag sila.  

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles