-
Paano Ba Pagkasyahin Ang Huling Sweldo Ni Mister Ayon Kay Bianca Gonzalez At Chinkee Tan
Ibinahagi nila ang ilan sa mga mabisang paraan para hindi maubusan ng pera ngayong naka-quarantine tayo.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Nang magsimula ang community quarantine dito sa Metro Manila, mabilis na nagpunta sa mga groceries, malls, drugstores, at iba pang mga pamilihan ang karamihan sa ating mga kababayan. Sa takot na maubusan ng pagkain, diaper, formula milk at iba pa, marami ang nag-hoard o iyong mga namili ng labis sa kanilang mga pangangailangan.
Daily wage earner ka man o nakakapagtrabaho mula sa bahay, importante pa ring matutunan mo ang tamang pagba-budget ng pera ng iyong pamilya—lalo na ngayong walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ang itatagal ng mas pinalawak at pinaigting na community quarantine.
Kaya naman malaking tulong ang mga Paano Ba 'To? live sessions ng celebrity mommy na si Bianca Gonzalez. Sa kanyang pinakahuling episode, kasama niya ang finance and wealth coach na si Chinkee Tan. Narito ang ibinahagi nilang mga tips, tricks, and techniques kung paano magbudget ngayong lahat tayo'y naka-quarantine.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano pagkasyahin ang huling sahod ni mister?
Kung minimum wage at daily earner ang iyong asawa, paano mo nga ba pagkakasyahin ang huling sweldo na nakuha niya? Ayon kay Chinkee, makakatulong kung ititigil niyo muna ang tinatawag na unnecessary spending o iyong pagbili ng mga bagay na hindi niyo naman talaga kailangan. Maaaring isakripisyo muna ang mga bagay tulad ng sobrang meryenda at iba pa. "Ang problema, hindi natin alam kung hanggang kailan ito. Ang income natin is limited," paliwanag niya. "Check niyo muna sa inyong existing budget [kung] ano 'yung mga pwedeng tanggalin."
Makakatulong din daw kung magkakaroon kayo ng family meeting. "Family meeting kasi everyone is involved in spending money," payo ni Chinkee. "We expect the best, but we prepare for the worst. What if it didn't end soon? At least mayroon kang Plan B, Plan C," dagdag pa niya.
Ito ang isa sa mga pinakamagandang sinabi ni Chinkee, "This is not the time for us to complain, but this is the time for us to be reflecting—what are the more important things in life?" Payo pa niya, kailangang may calamity fund at emergency fund ang isang pamilya. Paliwanag niya, kailangang magtabi kayo ng emergency fund na ang halaga ay katumbas ng tatlo hanggang anim na buwang living expenses ng inyong pamilya.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Paano magbubudget kung natatakot tayong maubusan ng stocks?
Sabi ni Chinkee, kung mag-aalala tayo ngayon, mas makakadagdag lang ito sa stress na ating nararamdaman. "Takot ka na nga na baka magkasakit ka, wala kang perang pambili, takot ka pa na wala kang mabili—there are so many fears paralyzing us," kwento niya. Aniya, ang solusyon dito ay ang paniniwala sa buhay na "Control the things that you can control."
Ibig sabihin, doon ka lang mag-focus sa mga sitwasyon na pwede mong baguhin katulad ng kung paano kayo magbudget at kung paano kayo gumasta.
Payo pa ni Chinkee, "This is not the time for us to hoard. This is the time for us to share."
Pagdating naman sa kung paano i-handle ang takot sa mga maaaring mangyari sa mga paparating na araw, sabi ni Chinkee, ang pag-aalala ay parang pagsakay sa isang stationary bike o pag-upo sa isang rocking chair. Gaano ka man kabilis pumedal o gaano ka man kalakas umugoy, wala ka pa ring mararating.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBilang mga magulang, hindi mo maiaalis sa iyo ang mag-alala. Ngunit saan ka nga ba dadalhin ng takot at pag-aalala? Gaya nga ng sabi ni Chinkee Tan, mag-focus ka sa mga bagay na kontrolado mo.
What other parents are reading
Kayo? Paano kayo nagbubudget ngayong may banta ng COVID-19? I-share niyo lang sa comments section.
Para naman sa iba pang kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.
What other parents are reading

- Shares
- Comments