-
Di Kailangang Pumila Pagdating Sa Pag-ibig Online Payment Facility
Hindi mo kailangan pumunta ng Pag-IBIG branch para sa Pag-IBIG monthly contribution.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments
Tulad sa Social Security System (SSS), mayroon ring Pag-IBIG online payment facilities para mabayaran ang monthly contribution at loan repayment ng mga miyembro ng government agency na kilala sa pormal na pangalang Home Development Mutual Fund (HMDF). Angkop ang ganitong paraan para sa miyembrong self-employed, voluntary, at overseas Filipino workers (OFW).
Ang monthly contribution ay tinatawag na ngayong regular savings. Maaaring bayaran ang regular savings quarterly o advance ng ilang buwan, ngunit hindi na ang mga nalampasang mga buwan (retroactive). Bukod sa regular savings, meron pang isang uri na inaalok ng ahensiya para madagdagan ang ipon ng miyembro. Ito ang Modified Pag-IBIG 2 (MP2).
Paano ang Pag-IBIG online payment
Mababayaran ang regular savings at MP2 savings nang hindi pumupunta sa Pag-IBIG Fund branch o accredited collecting partner nito basta may internet connection at access sa cashless payment. Maaari din sa ganitong paraan ang pambayad sa loan, tulad ng housing loan, multi-purpose loan, at calamity loan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMagbayad ng Pag-IBIG gamit ang e-services
Mismong sa Pag-IBIG Fund website, hanapin sa menu bar ang “E-services,” i-click ito, at piliin ang “Other Services.” Sa ilalim nito, makikita ang “Online Payment Facility” at i-click para mahatid sa pahina kung saan makakapagbayad.
Siguraduhin lang na may PayMaya account dahil ito ang naatasan ng Pag-IBIG Fund na magbigay ng digital financial services. Sinabi ng PayMaya sa press statement na makakatulong ang kanilang kasunduan na maipatupad ang layunin ng ahensiya na mapadali ang pagbabayad ng mga miyembro ng kanilang membership savings at loan amortization.
Dahil dito, puwede nang magamit ng Pag-IBIG members ang kanilang credit, debit, at prepaid card na kaanib ng Visa, Mastercard, at JCB sa pagbabayad basta naka-register ang mga ito sa PayMaya account.
Nakahanda na rin dapat ang kopya ng Membership ID (MID) sakaling hindi ito memoryado. Punan lang ang mga hinihinging detalye at sundin ang instructions. Paalala lang na may convenience fee na 1.75 percent ng total amount.
CONTINUE READING BELOWwatch nowKung nakapag-online registration na sa “Virtual Pag-IBIG” portal, bisitahin ito para para makabayad. Sa homescreen, i-click ang “Pay OnLine,” at piliin doon kung ano ang gagawing transakyon. Ito ba ay para sa regular savings, MP2 savings, housing loan, multi-purpose loan, o calamity loan, at i-click.
Pareho ang sistema dito sa Pag-IBIG Fund website, kaya dapat meron ng PayMaya account para magamit din ang credit, debit, at prepaid card na kaanib ng Visa, Mastercard, o JCB.
Magbayad ng Pag-IBIG gamit ang mobile wallet at apps
Bukod sa website at portal ng ahensiya, may iba pang Pag-IBIG online payment facilities, tulad ng e-wallet na PayMaya, GCash, at GrabPay. Magagamit nang diretso ang PayMaya account sa pagbabayad nang hindi dumadaan sa Pag-IBIG website at portal. Punan lang ang mga detalye at sundin ang directions para sa transaksyon. Ganito din sa siste sa ibang e-wallet.
Payo ng PayMaya na magbayad mula tatlo hanggang limang araw bago ang due date para maiwasan ang antala o aberya sa pagtatala ng nabayarang membership savings o loan amortization. Ang posting gamit ang GCash ay mangyayari sa loob ng tatlong araw, habang dalawang araw naman sa GrabPay. Huwag lang kalimutan na sapat ang account balance para sa bayarin.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTumatanggap ang mobile app na Moneygment ng Pag-IBIG Fund membership savings na maximum Php200, na siyang halaga ng buwanang bayarin. Ibig sabihin hindi puwedeng magbayad nang higit isang buwan. May singil na Php25 bilang app fee at mapo-post ang binayarang contribution sa loob ng isa hanggang dalawang araw.
Kabilang ang isa pang mobile app na coins.ph sa Pag-IBIG online payment facilities na ang maaaring gamit sa pagbayad ng membership savings pati na ang housing loan amortization. Pagkatapos magbayad ay tatakbo ang pagproseso nito, tulad ng lahat ng bills payment sa app, hanggang tatlong working days, liban sa weekend at non-working holiday.
What other parents are reading

- Shares
- Comments