embed embed2
Bayad Utang, Negosyo, Donation: Anong Mga Pwede Mong Gawin Pag Nanalo Sa Lotto, Ayon Sa Mga Magulang
PHOTO BY SHUTTERSTOCK
  • Ikaw ang nanalo ng P265 million Lotto jackpot. Ano ang unang tatlong bagay na gagawin mo?

    Nagtanong kami gamit ang Smart Parenting Facebook page sa mga magulang kung ano ang kanilang gagawin kung sakaling sila ang palaring manalo ng P265 million Lotto jackpot. Heto ang mga sagot nila.

    Sabi nga ng isang mommy sa Smart Parenting Village, "Walang masamang mangarap. At least kung magkatotoo man, alam na natin ang gagawin!"

    Anong gagawin ng mga magulang pag nanalo sa Lotto

    1. Bayad utang

    Para sa bagong buhay na sisumulan gamit ang malaking halagang ito, para sa mga nanay at tatay, babayaran muna nila ang lahat ng nakabinbing utang.

    Kung ngayon pa lang ay hirap na sa pagbabayad ng utang, basahin dito ang mga tips para makaahon ka.

    2. Magbigay sa nangangailangan

    Maraming sumagot na gagamitin nila ang porsyento ng kanilang napanalunan upang ibigay sa mga nangangailangan. Maaaring sampung porsyento nito ay ibigay sa simbahan, o sa isang charity organization na napupusuan gaya ng home for the aged o iba pa.

    Meron ding nagmungkahi na gumawa ng random act of kindness sa mga taong hindi kakilala pero nangangailangan ng tulong. Sa paraang ganito raw magiging masaya ang puso, hindi lamang ang bulsa.

    READ ALSO: Isang Grupo Ng Star Wars Fans Ang Tumutulong Sa Mga Batang May Sakit 

    3. Mag-invest

    Marami ang nagsabi na gusto nila bumili ng bahay, kotse, o magkaroon ng investments. Depende sa pangangailangan sa buhay, maaaring pumili kung saang maganda ilagay ang pera. Doble-ingat, dahil laganap ang mga scam at mga investment schemes na hindi naman legal o rehistrado. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang iba naman, plano lang na ilagay sa bangko ang kanilang pera. Basahin dito kung aling mga digital banks ang nagbibigay ng pinakamataas na interes.

    READ ALSO: 5 Money Habits That Are Making You Poor: 'I Will Invest Pag Mayaman na Ako'

    4. Mag-negosyo

    Para lumago pa rin ang perang napanalunan, payo ng mga magulang na magsimula ng sariling negosyo. Basahin dito ang mga dapat munang itanong sa sarili bago mag-business, ayon sa isang tatay na gusto rin makaluwag sa buhay.

    5. Mag-tabi

    Bukod sa lahat ng pwedeng pagkagastusan, mahalagang magtabi ng porsyento ng perang napanalunan para sa iyo at sa mga anak mo nang sa gayon ay may magamit pa rin lalo na sa oras ng pangangailangan. 

    6. Mag-enjoy

    Maglaan din siyempre ng parte para ma-enjoy ang napanalunang salapi. Sa Smart Parenting Village, ang aming Facebook group para sa mga magulang, maraming mga moms and dads din ang nangangarap manalo sa Lotto. 

    Ani ng isa, "Rest house sa malamig na lugar!"

    Sabi naman ng isa, "I will travel the world!"

    Ang isa naman, "Pag ako nanalo, tag-1K lahat ng members ng Smart Parenting!"

    Bukod dito, mahalaga rin na mamuhunan para sa sarili - ipagpatuloy ang pag-aaral o tuparin ang iba pang mga pangarap.

    Paalala

    Bago galawin ang perang napanalunan, pag-isipang mabuti kung ano ang mga pagkakagastusan. Maaaring mag-usap ang mag-asawa para nang sa gayon ay maging maayos ang paglalaanan ng malaking halaga at walang maging pagsisisi sa huli.

    Payo din ng iba, hangga't maaari, manatiling tahimik ukol sa napanalunan at huwag itong ipangalandakan. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Problema ng isang mommy, "Paanong hindi malalaman ng mga marites na nanalo kami?" 

    At sabi rin ng isa, "Ang dami kong plano, pero paano ako mananalo eh hindi naman ako tumataya!"

    Basahin dito kung ano ang payo ng mga magulang ng mga milyonaryo.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles