embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Hirap Makaipon? 5 Nanay-Approved Money Hacks

    Bakit hindi ninyo subukan ang mga ito kung madalas sagad na sagad ang inyong budget buwan-buwan?
    by Ana Gonzales .
Hirap Makaipon? 5 Nanay-Approved Money Hacks
PHOTO BY iStock
  • Sa taas ng presyo ng mga bilihin, serbisyo, at utilities ngayon, hindi nakapagtatakang maraming pamilyang Pinoy ang walang ipon. Paano mo pa nga naman kasi iisipin ang pagtatabi ng pera kung sumasapat lang sa buwanan ninyong pangangailangan ang kinikita ng inyong pamilya?

    Sino pa nga bang pinakamagandang konsultahin pagdating sa pagbubudget kundi ang mga nanay at tatay? Kaya naman sinuyod namin ang aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa ilan sa mga pinakamagagandang ideas kung paano mag-ipon.

    Sumubok ng money challenge

    Usong-uso na ang mga money challenge ngayon. Kalimitan sa kanila'y nagsisimula sa unang araw ng Bagong Taon. Parami na kasi ng parami ang naeengganyong magkaroon ng sapat na pera sa huling araw ng taon.

    Sa katunayan, kailan lang ay i-fineature namin ang isang nanay na nakakaipon ng hanggang Php5,000 sa isang buwan sa pamamagitan lang ng isang money challenge. Ayon sa kanya, mahigpit niyang sinusunod ang tinatawag na 'Invisible 50' o iyong 50-Peso Saving Challenge.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Madali lang ito. Kailangan mo lang itabi o ilagay sa alkansya na hindi ninyo mabubuksan ang lahat ng Php50 na makukuha mo araw-araw. "Lahat ng mahahawakan mong Php50, diretso sa alkansiya," kwento ni mommy.

    Mayroon ding mga gumagawa ng tinatawag na 'Invisible Coins' Challenge o iyong hindi paggasta ng mga coins na makukuha ninyo.

    May ilan ring nag-suggest ng '24-Paycheck Money Savings Challenge' mula naman sa Get Rich Philippines (@getrichphil). Dito ay nakalista ang lahat ng araw o date kung kailan ka susuweldo. Sa tabi nito ay nakalagay naman ang karampatang amount na dapat mong ibigay sa sweldong iyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami pa silang mga money challenges sa Get Rich Philippines na pwede mong subukan.

    More from Smart Parenting

    Gamitin ang envelope method

    Isa na siguro ito sa mga pinakapopular na paraan para mabudget ng mga nanay ang pera ng pamilya. Ayon sa kanila, kapag nakuha na ninyong mag-asawa ang mga sahod ninyo o 'di naman kaya ay iniabot na sa iyo ng asawa mo ang sahod niya, pwede mo na itong hati-hatiin.

    Maraming formula kang pwedeng pagpilian, pero maraming mga nanay ang gumagamit ng formulang ito:

    SALARY - SAVINGS = EXPENSES

    Ibig sabihin, dapat ay nauuna mong itinatabi ang para sa ipon ng inyong pamilya. Kapag naitabi mo na ito, pwede mo nang hatiin ang natirang amount para sa mga expenses ninyo.

    May ilan namang inuuna munang bayaran ang mga monthly expenses bago magtabi ng para sa ipon. Pwede mo ring gawin ito kung pareho kayong disiplinado ni mister. Kalimitan kasi, hindi ito nagiging epektibo kung madalas na nauubos ang pera ninyo para sa expenses.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Bawasan ang sukli

    Ayon sa isang nanay, epektibo sa kanya ang technique na ito. Kapag nagbayad siya ng Php100, binabawasan niya ang nakukuha niyang sukli at siya niyang itinatabi sa kanilang family alkansya. Ang goal ay ang makapagtabi ng kaunti katumbas ng pera na lalabas.

    Magkaroon ng dedicated bank account para sa ipon

    Maraming mga nanay din ang ganito ang ginagawa. Para hindi niyo na magastos ang pera, pagkakuha pa lang nito ay ideposit na agad sa isang savings account na para lang sa ipon. Huwag ihalo ang pera na para sa bills. Lahat ng idedeposit ninyo sa dedicated back account for savings ay para lang talaga sa savings.

    Isulat ang expenses sa isang notebook

    Napakalaking tulong nito lalo na kung ngayon pa lang kayo magsisimulang mag-ipon. Sa pagsusulat kasi ng pumapasok at lumalabas na pera mo makikita kung gaano kayo kagastos na mag-anak. Dito mo rin makikita kung ano ang mga dapat at hindi mo na dapat pinagkakagastusan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ilan lamang 'yan sa mga paraan ng mga nanay para masigurong mayroon silang naitatabi buwan-buwan. Mahirap kasi talagang mag-ipon lalo na kung isa lang ang kumikita sa inyong mag-asawa.

    Kailangan mo talagang maging wais. Huwag bumili ng mga hindi kailangan. Piliing magluto kaysa kumain sa labas. Makakatulong din kung babawasan ninyo ang inyong mga monthly subscriptions lalo na para sa mga bagay na hindi naman kailangan.

    Kayo? Paano kayo nag-iipon? Anu-anong mga paraan ninyo para masigurong may naitatabi kayo buwan-buwan? I-share niyo lang iyan sa comments section.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles