-
Labor & Childbirth Giving Birth Now: You May Be Asked To Have Blood Donor If You're A CS Candidate
-
Your Kid’s Health Is Your Child a Mosquito Magnet? 5 Reasons He's Getting Bitten More
-
Toddler Lumalaking Sinungaling? Paano Turuan Ang Anak Na Hindi Matakot Magsabi Ng Totoo
-
Real Parenting 15 Life Truths From Mom: 'Ingatan Mo ang Anak Mo. Balang Araw, Siya ang Magtatanggol Sa 'Yo'
-
Yasmien Kurdi, Sa Palengke Pa Din Namimili. Heto ang Kanyang 7 Wais Tips
Wala daw siyang suki -- kung saan mura at maganda ang tinda ay doon bumibili ang aktresby Lei Dimarucut-Sison .
Hindi makapaniwala ang GMA showbiz reporter na si Nelson Canlas nang sabihin ni Yasmien Kurdi, 31, na siya mismo ang namamalengke para sa kanyang pamilya.
Karaniwan kasi, mas pinipili ng mga celebrities tulad niya na mamili ng grocery items sa malalaki at membership-only supermarkets para na din sa kanilang privacy. Pero si Yasmien, sa wet market o palengke pa din ang punta.
"Hindi ka ba pinagkakaguluhan [sa palengke]?" tanong ni Nelson. "Syempre naka-salamin, naka-cap, naka-mask [ako]," sagot ng singer-actress.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNoon pa man ay talagang masinop na si Yasmien sa pera. Kapag hindi daw siya busy sa shoot at shows, ang wife at mom of one ang pumupunta sa palengke para mamili ng lulutuin para sa kanyang asawang piloto na si Rey Soldevilla at anak nilang si Ayesha, 7 years old.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosWhat other parents are reading
Palengke tips ni Yasmien para ma-stretch ang budget ng pamilya
1. Gumawa ng listahan.
Sa puntang iyon nila Yasmien at Nelson sa palengke, nakapamili na daw si Yasmien ng mga sahog para sa uulamin nila ng isang linggo. Magagawa lang ito kung naka-plano ang iyong menu, para mailista ang mga ingredients mula dito. Kapag may listahan, naiiwasan din ang pagbili ng hindi kailangan.
2. Makakamura ka sa packed veggies.
"Sabi nila nanggaling yun sa mga nasira nang veggies, [pero] pwede pa rin naman siya lutuin. Bumibili rin ako nun kasi minsan Php15 o Php10 lang isang balot," sabi ni Yasmien. Karaniwan, naka-pack na ang mga ito ayon sa ulam: repolyo, carrots, cauliflower, at sayote para sa chopsuey; mayroon din para sa ginisang sitaw at kalabasa, at iba pa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW3. Ugaliing tumawad.
Sa video, makikitang eksperto na si Yasmien sa pagtawad sa mga tindera sa palengke. Hindi naman masama ang tumawad, lalo pa't hindi naman kalakihan ang hinihinging bawas. "Php360? Gawin mo na lang Php350," sabi ni Yasmien habang kausap ang tindero ng karne.
What other parents are reading
4. Suriin mabuti kapag bumibili ng karne.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaging metikuloso sa pagbili ng raw ingredients, ke ito ay baboy, manok o isda man. Tip ni Yasmien, "Pag hindi maganda yung chicken, maaamoy mo agad, amoy luma."
5. Huwag bumili nang labis sa makakain.
Bukod sa mas makakatipid ka, makakabawas pa sa pagkaing nasasayang kung sakto lang sa kayang ubusin ng pamilya ang bibilhin mo.
6. Magdala lagi ng barya.
Malaking ginhawa para sa iyo at sa mga nagtitinda kung sakto ang ibibigay mong bayad o kaunti na lang ang isusukli sa iyo.
7. Huwag maglagay ng wallet sa bulsa.
Ang iwas-dukot strategy ni Yasmien, "Yung bag mo dapat laging nasa harap."
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network