embed embed2
  • Kung 90 percent daw ng mga bagong mommy ay maraming struggle sa breastfeeding, sabi ni Luane Dy, doon daw siya sa natitirang 10 percent na wala masyadong hirap sa pagpapadede.

    Nagkuwento si Luane sa "Flores de Mommies," ang online event na inorganisa ng GMA Artist Center kamakailan. Siya at ang kanyang mister na si Carlo Gonzalez ay talent ng Kapuso network.

    Ang panganay ng celebrity couple na si Christiano ay nag-one year old nitong April 30, 2021. Aniya, magaling mag-latch ang baby boy nila.

    Sabi ni Luane, "Ang pinaka-struggle ko na lang was ’yung oversupply. Grabe ang milk supply ko, eh. Intense…Hindi lahat kayang i-pump ng electric pump. Hindi niya rin nauubos."

    Kaya lang daw, dugtong ni Luane tungkol sa anak, "Nakakaawa rin kasi pagni-nurse kami, breastfeeding, nalulunod siya. Parang sprinkler ang kinakain niya. Eh, baby, di ba, makikita mo, bigla na lang siya..." Umarte pa si Luane na parang nalulunod.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag niya, "Nakakatakot kasi baby ’yun, pero so far, okay naman. Hindi ko na-experience ang struggles ng breastfeeding moms na nakakatakot."

    "Hindi naman sisiw," paliwanag niya "pero hindi siya gano’n kahirap. Sabi nila, about 90 percent of new moms talaga nagsa-struggle sa breastfeeding. I think ’yung 10 percent na hindi masyado, kasama ako do’n."

    Sa sobrang dami ng breast milk ni Luane, nabigyan niya ang kapwa niya GMA-7 artist na si Max Collins, na hindi naman daw sapat ang milk supply.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles