embed embed2
  • Andi Eigenmann On Engagement: 'Nothing Grand. Unprompted, Simple, And Oh So Sincere'

    Ito ang paglalarawan ni Andi sa marriage proposal ni Philmar Alipayo
    by Jocelyn Valle .
  • Bago pa sumagot si Andi Eigenmann sa marriage proposal ni Philmar Alipayo, tinanggap na niya ang singsing na inaalok ng kanyang longtime partner. Hindi na raw kasi alam ng aktres ang gagawin.

    Pareho na silang umiiyak sa galak, kaya kinuha na lang niya ang engagement ring at saka niyakap ang fiance na niya ngayon.

    Makalipas ang isang araw ng engagement announcement nila sa Instagram, nag-post ulit si Andi ng litrato nila ni Philmar sa Instagram.

    Isa itong underwater shot at kitang-kita ang baby bump ni Andi. Ipinagbubuntis niya ngayon ang ikalawang anak nila ni Philmar na isang baby boy.

    Sinamahan ni Andi ang litrato ng caption: “The love we were promised in fairytales was never something for us to find.It has always been something for us to create.”

    Simple marriage proposal

    Ikinuwento ni Andi ang tungkol sa kanilang engagement sa YouTube channel nila ni Philmar, pati na ng panganay niyang si Ellie Eigenmann at panganay nilang si Lilo Alipayo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mapapanod sa latest vlog episode, na posted kagabi, December 20, 2020, na naganap ang marriage proposal sa isang beach resort sa Anilao, Batangas. Ikatlong araw iyon ng pagbabakasyon ng mag-anak. Katatapos lang daw umulan kaya foggy ang quality ng footage at hindi rin maganda ang quality ng audio. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Makikitang mag-isa si Philmar sa balcony ng tinutuluyan nilang kuwarto sa resort. Maya-maya, sinamahan siya ni Andi. Nagkaroon sila ng madamdaming pag-uusap hanggang naluha ang surfing champion na tubong Siargao island. 

    Pahayag ni Philmar, gamit ang native tongue, “From my whole heart, I am asking you if you will marry me.”

    At saka inilabas ang singsing mula sa kanyang bulsa at inabot sa kanyang mahal. Dito na nataranta si Andi. Kinuha niya ang singsing dahil gusto na raw niya itong suotin.

    Nagtanong si Philmar kung siya ba dapat ang magsusuot ng singsing sa daliri ni Andi. Tinanong niya rin kung sa right ring finger ni Andi niya ito isusuot. Ang sabi naman ni Andi, sa left ring finger (ayon sa tradisyon).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Duda si Philmar dahil ang left ring finger daw ay kapag kasalan na. Nag-komento na lang si Andi na mas maganda ang left hand niya. 

    Ibinahagi rin ng newly engaged couple ang magandang balita sa kani-kanilang Instagram accounts.

    Nag-post si Andi ng litratro nila ni Philmar na nasa dagat, at suot na niya ang engagement ring. Aniya sa caption, “I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would’ve been ok regardless, but it did happen.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang napili namang mga litrato ni Philmar ay ang close-up shot ng kanyang kamay na hawak ang kamay ni Andi, at silang dalawa sa balcony, kung saan naganap ang kanilang engagement.

    Lahad niya sa caption, “She said YES! I love you so much. So happy to spend the rest of my life with you. Promise to take care of you, Ellie, Lilo, and our coming baby number 3, and to make you laugh more and more every day.”

    Mapapanood ang wedding proposal sa Happy Islanders vlog:

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles