;
embed embed2
  • Paalala Ni Andi Eigenmann Kay Jaclyn Jose: ‘Ibigay Naman Ang Pagmamahal Sa Iyong Sarili’

    Birthday ni Jaclyn nitong October 21.
    by Jocelyn Valle .
Paalala Ni Andi Eigenmann Kay Jaclyn Jose: ‘Ibigay Naman Ang Pagmamahal Sa Iyong Sarili’
PHOTO BY Instagram/andieigengirl
  • Dinaan ni Andi Eigenmann sa Instagram ang pagbati sa birthday ng kanyang nanay at kapwa aktres na si Jaclyn Jose nitong October 21, 2021.

    Nag-post si Andi ng lumang litrato ni Jaclyn, na karga ang panganay ni Andi na si Ellie. Baby pa si Ellie nang mga panahon na iyon, at sa kasalukuyan, 10 years old na siya sa darating na November 23. Ate na rin siya sa mga kapatid sa ina na sina Lilo, 2, at Koa, 9 months old.

    Sabi ni Andi sa birthday message niya kay Jaclyn: "Maligayang kaarawan sa aming NANAY!"

    Lahad pa niya, "We all may have different priorities and beliefs as parents raising our children, but the most important gift we can give to our children is to love, and love them with all our hearts. With that, you won't go wrong. And this I learned from YOU!"

    Taos-puso ang pasasalamat ni Andi sa kanyang single mom (dahil bata pa lang siya nang magkahiwalay sina Jaclyn at ang kanyang tatay na si Mark Gil, isa ring artista na Ralph Eigenmann ang tunay na pangalan at pumanaw noong 2014).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagbibigay-pugay ni Andi kay Jaclyn: "Maraming salamat sa walang sawang pagmamahal at pag alaga sa amin. Wala ako rito kung hindi dahil sa iyong pagmamahal at suporta. Mahal na mahal ka namin!"

    May paalala lang siya sa kanyang nanay: "Wag kalimutan, ibigay naman ang pagmamahal sa iyong sarili. We will see you soon!"

    Sumagot si Jaclyn sa comments' section. Aniya, "Naiyak naman ako, anak. Mahal na mahal ko kayo."

    May komento rin ang fiancé ni Andi na si Philmar Alipayo na isang pagbati sa naka-tag na si Jaclyn. Sabi ni Philmar, "Happy birthday, tita."

    Noong March 2021, si Jaclyn ang nagbigay pugay kay Andi. Sabi ng Cannes 2016 best actress, hanga siya sa panganay niya sa dalawang anak dahil "napakatapang mo, sana ako din." (Basahin dito).

    Sabi pa ni Jaclyn, nakakabilib ang pagbibigay priyoridad ni Andi sa kanyang mga anak bago ang kanyang showbiz career. Naka-base sila sa Siargao island, na hometown ni Philmar, isang champion surfer.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles