embed embed2
  • Ang Mga Ninong At Ninang Ay Ikalawang Magulang, Hindi Lang Tagapamigay Ng Regalo

    Ito ang pahayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kamakailan.
    by Ana Gonzales .
Ang Mga Ninong At Ninang Ay Ikalawang Magulang, Hindi Lang Tagapamigay Ng Regalo
PHOTO BY Shutterstock/mylu
  • Sa isa nang naunang Smart Parenting article, inilista namin ang ilan sa mga katangiang pwede mong hanapin sa mga kukunin mong ninong at ninang ng iyong anak.

    Ito'y kasunod ng paalala ng Simbahang Katolika matapos mag-trending ang post ng isang diumano ay ninang na hinihingan ng regalo ng nanay ng inaanak niya.

    Nito lang ay nagbigay muli ng paalala si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa tunay na kahulugan ng pagkakaroon ng ninong at ninang at kung ano nga ba ang tunay na responsibilidad nila.

    Ginawa ni Tagle ang pagpapaalala sa homily ng isang mass baptism sa Manila Cathedral na dinaluhan ng higit 400 bata mula sa mga mahihirap na pamilya.

    Ang mga batang ito ay benepisyaryo ng Tulay ng Kabataan (TNK) Foundation. Ang naturang pagtitipon ay bahagi ng outreach program ng Simbahang Katolika at ng TNK. Tumulong din ang 11 pari sa pagbibinyag.

    Ayon sa homily ni Tagle, ang pagiging ninong at ninang ay isang biyaya sa Diyos na nangangailangan ng commitment at responsibility.

    Binigyang diin niya na hindi ito tungkol sa pagbibigay ng magagarbong regalo sa mga bata. Dagdag pa niya, ang pagiging ninong at ninang ay hindi tungkol sa paggastos ng maraming pera.

    "Always check on your godchildren, visit them, show them good example, so they'll realize you're a good Filipino, a good Christian," sabi pa niya.

    Paliwanag pa ni Tagle, dahil ang pagiging ninong at ninang ay naging tungkol na sa pagbibigay ng pera at regalo, maraming mga godparents ang pinipili na lang na pagtaguan ang kanilang mga inaanak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "So don't worry if you don't have anything to gift your godchildren. Not having gifts won't make you bad godparents. Don't feel bothered," paalala niya.

    Anu-anong mga ugali ng ninong at ninang ang hinahanap mo para sa anak mo? Bakit ito ang mga ugaling napili mo. I-share mo na iyan sa comments section.

    Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makakwetuhan ang ilan pang mga katulad mong magulang na nagpaplano ring magpabinyag ngayong may pandemic.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles