embed embed2
  • Anne Curtis Wows In Bikini! 10 Months Ang Nakalipas Nang Manganak

    Extended ang maternity leave ni Anne sa Australia kasama sina Erwan at Baby Dahlia.
    by Jocelyn Valle .
  • Sampung buwan pagkatapos manganak, tila nakabalik na si Anne Curtis sa kanyang pre-pregnancy body. 

    Mapapansin kasi sa Instagram post ng movie-TV star nitong January 3, 2021 ang kanyang well-defined abs dahil sa suot na two-piece bikini. Tanging fruit at sun emojis lang ang inilagay niya sa caption.

    Naka-tag naman ang mister na si Erwan Heussaff, isang food vlogger at entrepreneur, bilang tagakuha ng kanyang litrato. 

    Geotagged din ang luxury resort sa Hayman Island, na matatagpuan sa Australian state na Queensland, kung saan nagbabakasyon ang celebrity couple kasama ang kanilang baby girl na si Dahlia Amelie.

    Doon nila sinalubong ang New Year at nag-celebrate ng 10th month ng batang tinatawag ni Anne sa isa pang post na “the little ray of sunshine we needed in 2020.”

    Nagpunta sina Anne at Erwan sa Australia bago manganak si Anne sa kanyang birthplace sa Melbourne noong March 2, 2020. Pero inabutan sila ng COVID-19 pandemic kaya hindi pa nila naiuuwi ang anak sa Pilipinas.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagpahayag ng optimism si Anne sa isa pang post na karga niya pataas si Dahlia. Aniya, “May 2021 be filled with kindness, love and peace. Wishing you all love and light and this new year takes flight. Big hugs and kisses to all of you xx”

    May pahabol pa siyang mensahe, “Since we can’t get our hands on fresh flowers right now, we’ll have to settle for flowers on our twinning swimsuits. Our monthly tradition will have to wait till next week.”

    Kada buwan kasi nakaugalian na nilang mag-asawa na gawan ng photo shoot ang anak para ipagdiwang ang milestone nito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagpaabot din ng bati si Anne sa patuloy na pagdami ng kanyang Instagram followers, na umabot na sa 16 million. Isa siya sa mga kinikilalang influential celebrities sa social media ng Forbes Asia (basahin dito).

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles