-
Kailan Puwedeng Magpa-Booster Shot Pagkatapos Tamaan Ng COVID-19?
Bago puntahan ang booster shot schedule, alamin muna ang guidelines.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Napatunayan at rekomendado ng health experts at officials ang pagtanggap ng booster shot para sa alinmang COVID-19 vaccine na may pahintulot ng Food and Drug Administration (FDA).
Malaking tulong ang booster shot, lalo na ngayong may biglang pagtaas ng mga kasong nagkakasakit dahil sa bago nitong variant na Omicron. Sinasabing mabilis makahawa ang Omicron kaya nagkaroon ng surge. May 24,938 na mga bagong kaso ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong January 24, 2022.
Pero paano kung bago ang takdang araw ng booster shot mo ay bigla kang nakaramdam ng sintomas o di kaya kumpirmadong nag-positive na sa COVID-19?
Ipagliban muna ang pagpunta sa vaccination venue, ayon sa DOH. Paliwanag ni Dr. Beverly Ho, ang pinuno ng DOH Health Promotions Bureau, baka makahawa ka sa ibang mga tao na makakasabay mo sa lugar kung saan ka magpapabakuna.
Ang rekomendasyon ng ahensya ay gawin kaagad ang isolation sakaling makaramdam ng anumang sintomas (basahin dito).
Mga dapat malaman bago tumanggap ng booster shot
Para makasigurong handa ka na sa pagtanggap ng booster shot, tandaan ang mga sumusunod:
- Tatlong buwan (3 months) na ang nakalipas nang mabakunahan ka sa ikalawang pagkakataon (second dose) ng alinman sa AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Sinovac, o di kaya Sputnik. Dalawang buwan (2 months) naman kung single dose ng Janssen vaccine.
- Natapos mo na ang itinakdang isolation period ng doktor para sa iyo.
- Wala kang lagnat sa nakaraang 24 oras nang hindi umiinom ng gamot.
- Nawawala na ang iyong sipon, ubo, o iba pang respiratory symptoms.
Paalala ni Dr. Ho sa ulat ng reportr, iba-iba ang nararanasang sintomas ng mga pasyente. Kaya mainam daw na kumonsulta sa iyong doktor para sa partikular na sintomas na iyong nararamdaman.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMga dapat malaman tungkol sa pagkuha ng booster show sa pharmacy
Naibalita kamakailan na maaari nang magbigay ng booster shot ang mga pharmacy o drug store. Limang outlet sa Metro Manila ang sumali sa unang yugto ng programa at inaasahang madadagdagan pa ang listahan.
Bukas lamang ang ganitong programa para sa mga may edad 18 pataas na nabibilang sa ganitong mga grupo:
- A1: Essential health workers (hindi mahina ang immune system at hindi pa senior citizen)
- Expanded A1: Overseas Filipino workers (OFWs) at mga kaanak ng A1 (hindi rin mahina ang immune systems at hindi pa senior citizen)
- A4: Mga nagtatrabaho sa essential services
- A5: Mga nasa sektor ng maralita (poor/indigent population)
- Iba pang adult population
Wala pang pahintulot na makatanggap ng booster shot mula sa pharmacy ang mga taong:
- Hindi pa kumpleto ang second dose ng kanilang bakuna (one dose kung Jannsen)
- May mga edad 17 pababa
- Mga mahina ang immune systems, kahit edad 18 pataas
- Mga senior citizen
Kung nabibilang ka sa mga grupong puwedeng makatanggap ng booster shot sa pharmacy, tandaan na hindi naman puwede ang walk-in. Kailangan mong magparehistro muna sa iyong local government unit (LGU) o di kaya sa registration system ng pupuntahang pharmacy, kung meron nito.
Kung rehistrado ka na, kailangan mong dalhin sa pharmacy sa araw ng iyong booster shot ang iyong original vaccination card o certificate, pati ang valid ID.
Ang limang pharmacy na kasama sa pilot run ay:
Generika: Lot 23 Blk. 306 Zone 6, #138 Colonel Ballecer st. Signal Village, Taguig
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMercury Drug: 899 Pres. Quirino Avenue cor. Leon Guinto, Brgy. 692, Zone 75, Manila
Southstar: Bayan-Bayanan Ave, Brgy. Concepcion Uno, Marikina City
TGP: Edison St. Sun Valley, Paranaque CityWatsons: SM Supercenter Pasig, Frontera Drive, Ortigas, Pasig City
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments