embed embed2
  • 13 Celebrities Na Manganganak Sa Year 2020!

    First-time moms sila Solenn, Anne, Ethel Booba, at mom-of-two naman sila Cristalle, DJ Chacha
    by Jocelyn Valle .
  • Sa taong 2020, ilang celebrities ang magiging mommy. Karamihan sa kanila ay sa unang pagkakataon, habang ang iba ay para sa pangalawa na nilang anak. Narito ang 13 sa kanila:

    Solenn Heussaff

    Sa listahan na ito, halos sigurado na panganay ni Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang unang celebrity newborn sa 2020. Anumang araw ngayon pwede na manganak si Solenn. Babae ang inaabangan nila na may sariling hashtag na #BabyBolz sa kanilang social media posts. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    August nang inanunsiyo ng celebrity couple sa Instagram na buntis ang Filipino-French actress at visual artist. Na-admit siya sa ospital ng early December pero hindi pa oras ng kanyang panganganak kaya pinauwi muna para magdiwang ng holiday season.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anne Curtis

    Katulad ni Solenn na kanyang sister-in-law, baby girl din ang dinadala ni Anne Curtis na unang anak nila ng mister na si Erwan Heussaff. Naka-maternity leave na ang Filipino-Australian actress-TV host, at kasalukuyang nagbabakasyon sa Land Down Under.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ibinahagi nila Anne at Erwan ang pregnancy news noong November, ilang linggo pagkatapos umapela ang movie-TV star sa kanyang press interview na iwasan ang pagtatanong sa kababaihan kung kailan sila magkakaanak. Nakatakda siyang magsilang sa March.

    Ethel Booba

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Seven months pregnant si Ethel Booba nang magdiwang ng kanyang 43th birthday noong December 17 at magkaroon ng gender reveal para sa kanyang ipinagbubuntis. Baby girl ang magiging panganay ng singer-comedienne, na kilala sa witty at timely Charot tweets, at ng kanyang non-showbiz partner na si Jessie Salazar.  

    Jade Lopez

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    November 2018 nang malaman ni Jade Lopez na buntis siya sa unang pagkakataon, ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ito natuloy. Sa kanyang vlog entry ay tinawag niyang “emotional experience” ang pagkakaroon ng miscarriage.

    Nitong September 2019 ay magandang balita naman ang hatid ng GMA-7 actress, na produkto ng reality TV talent search na StarStruck Season 1. Buntis na ulit siya sa panganay nila ng non-showbiz husband na si Rocky Siccion. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kryz Uy

    Ilang buwan pagkatapos ikasal si Kryz Uy sa kanyang fellow Cebuano celebrity na si Slater Young noong February 16, 2019 ay biniyayaan sila ng unang anak. December 1 nang inanunsiyo ng vlogger ang pregnancy news at December 24, Christmas Eve, naman nang ibahagi niya sa Instagram ang sonogram result. Aniya sa caption, “Best Christmas present ever.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Max Collins

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nitong Araw ng Pasko ay naging extra special ang Christmas greeting ni Max Collins at kanyang mister na si Pancho Magno sa kani-kanilang Instagram account dahil sa pregnancy news na hatid nila. Pagbati ni Max sa caption, “The more, the merrier! Merry Christmas from our growing family to yours.”

    Ikinasal ang mestiza actress sa kanyang kapwa GMA-7 talent noong December 11, 2017 sa Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Luane Dy

     

    Ipinagbubuntis na ni Luane Dy ang panganay nila ng mister na si Carlo Gonzalez. Ito ang pahabol na good news ni Carlo nitong huling araw ng 2019 sa pamamagitan ng Instagram. Ayon pa sa GMA-7 actor ay baby boy ang magiging panganay nila ng Unang Hirit at Eat Bulaga! cohost.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikinasal sina Luane at Carlo sa huwes noong November 28, 2019, anim na buwan pagkaraan ng kanilang engagement na ginanap sa Disneyland as Anaheim City, California. Eight years silang magkasintahan bago lumagay sa tahimik. 

     

    Jamie Evangelista-Geisler 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang non-showbiz wife ni Baron Geisler na si Jamie Evangelista ay nakatakdang manganak sa February. Inanunsiyo ito ng aktor sa Instagram post noong October 27. Dagdag pa niya na baby girl ang kanilang panganay, na bibigyan nila ng pangalang Talitha Cumin at palayaw na Beanie.

    Nagkaroon ng civil wedding ceremony sina Baron at Jamie noong September 12, 2019 sa Quezon City Hall, at nagpaplano na ng church nuptials sa 2020.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Margaret Hall-Younghusband

    Nitong December 22 ay masayang ibinalita ni Phil Younghusband sa Instagram na magiging magulang na siya at ang kanyang misis na si Margaret Hall sa unang pagkakataon.

    Lahad ng Filipino-British football player sa caption, “It has been our dream to be parents for a long time now and for our wishes to come true, we feel truly blessed by the Lord.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikinasal sina Phil at Margaret, isang Filipino-British model, noong July 20, 2019 sa Kent country, England.

    What other parents are reading

    Cristalle Belo

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madadagdagan na ang pamilya ni Cristalle Belo, kanyang Australian husband na si Justin Pitt, at kanilang 1-year-old son na si Hunter. Inanunsiyo ng celebrity entrepreneur sa Instagram noong December 22 na magiging kuya na si Hunter sa April 2020. 

    Jewel Mische

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang dating aktres na si Jewel Mische ay buntis sa second baby nila ng American husband na si Alister Kurze. Nakabase na sa U.S. state ng Michigan ang StarStruck Season 4 winner simula nang ikasal sila ni Alister noong February 28, 2015. Ang kanyang panganay na si Aislah Rose ay 1 year at 5 months na ngayon.

    Inamin ni Jewel sa isang Instagram post na di tulad ng kanyang first pregnancy ay hindi siya handa na mabuntis muli. Masyado pa rin  daw maaga para magkaroon ng kapatid si Aislah. Ngunit nalampasan na niya ang ganoong “sudden feelings of disbelief, fear, panic, excitement, ANGER???”

    Aniya sa caption, “I am HAPPY to report that all the ugly emotions (along with the morning sickness) feel like a distant memory now. We are having a BABY!!!! Aislah is going to be a big SISTER!!!! 

    “I can’t be more THRILLED.. nervous, but thrilled!!! And this baby was obviously planned for us long before we would have considered having another... I find that so SPECIAL!! And, this is the truth to which I cling during the questioning times and moments of doubt: GOD’s TIMING will always be PERFECT, even when my trust in it is not.” 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    DJ Chacha

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magkakaroon ulit ng baby girl si DJ Chacha ng MOR 101.9. Buntis siya sa panganay nila ng kanyang non-showbiz husband na si Mike Guevara at magiging kapatid ng kanyang anak sa dating karelasyon. Ikinasal si DJ Chacha, na ang tunay na pangalan ay Czarina Balba, at Mike noong May 30, 2019 sa Fernwood Gardens sa Tagaytay City. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Janice Lagman-Lizardo

    Sa pangalawang pagkakataon ay magkakaroon ng baby boy ang taekwondo champ na si Japoy Lizardo at kanyang misis na si Janice Lagman. Three years old na ang kanilang panganay na si Jace Alonzo sa birthday nito sa February 24, 2020.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles