;
embed embed2
  • Viral Ngayon Ang Insidente Na Kinasangkutan Ang Isang Child With Special Needs Sa Cebu

    Hindi maintindihan ng pamilya ang galit ng isang ama sa kanilang kapatid.
    by Jocelyn Valle .
Viral Ngayon Ang Insidente Na Kinasangkutan Ang Isang Child With Special Needs Sa Cebu
PHOTO BY Pexels
  • Hindi pa man tuluyang humuhupa ang isyu tungkol sa “discriminating experience” ng isang mommy at kanyang child with special needs sa Plantation Bay & Resort Spa, isang beach resort sa Cebu (basahin dito), isang pamilya ulit sa Cebu ang may halos parehong karanasan sangkot ang isa nilang miyembro.

    “Today, my brother Regur was discriminated for being a special child,” panimula ni Chriselle Marie Dabao sa kanyang Facebook post nitong December 27, 2020.

    Kuwento pa niya na nangyari ang insidente sa isang coffee shop kung saan nakaugalian na nilang mag-anak na kumain tuwing linggo. Iyon daw ang kanilang paraan “to ease up a week of stress from school and work.” Sinusunod din daw nila ang social distancing rule at pagsusuot ng face mask at face shield.

    Noong araw na iyon, napansin ni Chriselle na “good mood” si Regur. Wala raw tantrums ang kanyang kapatid, di tulad ng mga nakaraan nilang bisita sa coffee shop. Tahimik lang daw ito sa dulo ng mesa kaharap ang isa pa nilang kapatid na si Christger, at nilalaro ang towel na ginagawa niyang toy. 

    Napansin din ni Chriselle na sa kabilang mesa, may nakaupong isa pang pamilya. Bigla raw nagsalita ang tatay ng pamilyang iyon para pagsabihan siya at kanyang sariling pamilya na ipatigil si Regur sa ginagawa nitong paglalaro.

    Humingi raw kaagad ng dispensa ang daddy nilang magkapatid at nagpaliwanag na special child si Regur. Pero ang sorry ay hindi raw tinanggap ng daddy sa kabilang mesa, at nagalit pa ito. Pinagsabihan pa sila Chriselle na disiplinahin si Regur “for not behaving normally.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nag-sorry daw sila ulit. Nagalit pa raw lalo ang lalake. Tumayo ito at tila gusto pang hatawin ng upuan ang batang may special needs.

    “Regur did not even touch him,” sabi ni Chriselle tungkol sa lalakeng gustong manakit sa kanyang kapatid. “He was just annoyed that Regur wasn’t sitting still his chair.”

    Tumayo na rin daw silang mag-anak para pagsabihan ang lalake “that his actions are not necessary.” Sinabi din nila dini-discriminate against si Regur “just because he cannot talk and cannot understand like normal kids do.” Ngunit hindi daw sila pinakinggan ng lalake at minura pa ang daddy nila.

    Ang “more disappointing” pa, dagdag ni Chriselle, ay ang naging reaction ng staff ng coffee shop. Sila pa raw ang pinagsabihan na tumigil at lumipat na lang sa ibang mesa para matapos ang gulo. Hindi rin daw nag-sorry ang staff at sinisi pa sila dahil ayaw nilang lumipat sa ibang mesa.

    Nagpatuloy lang daw ang lalake sa pagsisigaw at pagsasabi sa kanila na umalis na. Kaya lumipat na lang silang mag-anak ng mesa para hindi na magkagulo pa. Nag-sorry daw ang asawa at anak ng lalaki, pero ang lalake mismo ay nakatingin lang sa kanila “like we are nothing but trash to the society for having a kid with special needs.”

    “Okay” naman daw ang kanyang kapatid, sabi ni Chriselle, bagamat natakot nang bahagya si Regur sa lakas ng boses ng lalaki. Hindi pa rin daw nito alam kung anong nangyari. Pero nang makalabas na sila ng coffee shop at pasakay na sa kanilang kotse, humawak si Regur sa kanya na parang nagso-sorry na nasira ang kanilang araw dahil sa kanya. Gusto niya lang malaman ng kapatid na wala itong kasalanan at maaasahan nito ang suporta ng kanilang pamilya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Samantala, nagbigay ng pahayag ang The Coffee Bean & Tea Leaf Philippines sa reportr. Sabi nila sa email, "Our team has reached out and apologized to (the boy's) parents shortly after we found out about what happened, and we have given them our commitment in doing our part in making our stores a more inclusive and welcoming place for their family once again."

    Nagpahayag naman ng pagkalungkot ang Autism Society Philippines (ASP) sa insidente. Nag-post sila ng official statement sa kanilang Facebook page kinabukasan, December 28. 

    Anila, ang hindi pagkakapirmi ng batang si Regur sa kanyang upuan ay inakala ng lalake sa coffee shop na paglabag sa health safety protocols. Ngunit, giit nila, “shameful” at “unwarranted” ang “aggressive response” ng lalake laban sa batang “non-verbal on the spectrum.” Nagkulang din daw sa tamang aksyon ang tauhan sa coffee shop.

    Dagdag pa ng ASP na malinaw ang batas na kumikilala sa karapatan at protekyon ng mga taong may disabilidad. Para masiguro ito, makikipagtulungan daw sila sa Department of Justice (DOJ), lokal na pamahalaan, mga negosyo, at sa publiko.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paalala pa ng ASP: “Kindness goes beyond being civil. It means actively choosing to be generous with a part of ourselves — whether it’s time, knowledge, finances, patience or emotions — so that those with less or are vulnerable can live with dignity. Choose to be kind.”

    This story was updated at 5:25 p.m., on December 30, 2020.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles