department of health,Tagalog,coronavirus,big kids stage,sp public assistance,covid-19,code red,local transmission,covid-19 government,covid-19 news,Code Red Alert Ng DOH: Ano Ang Ibig Sabihin Nito?,DOH code red, coronavirus, coronavirus local transmission, coronavirus Philippines, covid-19,Bakit nga ba ngayon lang nagdeklara ng Code Red ang Department of Health? Alamin ang dapat mong gawin.
LifeNews

Coronavirus Code Red Ng DOH: Ano Ang Ibig Sabihin Nito?

Coronavirus Code Red Ng DOH: Ano Ang Ibig Sabihin Nito?
PHOTO BY@DragonImages/iStock

Nagdeklara ang Department of Health (DOH) ng "Code Red" noong Sabado, Marso 7, 2020, dahil sa banta ng coronavirus, o COVID-19, sa kalusugan. Sa isang press conference, inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagkakaroon ng ika-apat at ika-limang kaso sa Pilipinas.

Ang isa ay 48-taong gulang at bumiyahe kamakailan sa Tokyo, Japan.

Ang ikalawa naman ay isang 62-taong gulang na walang history ng pagbiyahe kamakailan sa ibang bansa. Ang hinala ay nakuha ng nasabing senior citizen ang virus sa isang mosque sa San Juan kung saan siya madalas sumasamba. Kalaunan ay nabalitang nahawahan din niya ang kanyang asawa, na siyang pang-anim na kaso sa bansa.

Nitong araw ng Linggo, Marso 8, mayroon pang apat na ibinalitang bagong kaso ng coronavirus. Sa kabuuan, sampu na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa simula noong mabalita ang una noong Enero 30, 2020. Isa sa mga ito ang binawian ng buhay.

Pero kung noong Enero pa mayroong kaso ng coronavirus sa bansa, bakit ngayon lamang nagdeklara ng code red?

Ayon sa DOH, ang code red, sublevel 1 ay idinedeklara kapag may isa o higit pang kaso ng local transmission.

Local transmission o community transmission ang tawag kapag ang mga tao na walang history ng pagbiyahe sa mga lugar na mayroong virus ay nakumpirmang nahawahan ng sakit, o kapag wala itong naging direktang contact sa isang taong kumpirmadong may sakit.   

Samakatuwid, dahil ang naunang tatlong kaso ng coronavirus sa PIlipinas ay naggaling sa labas ng bansa, wala sa mga ito ang locally transmitted.

Ano ang dapat gawin kapag may Code Red?

Ayon sa DOH, ito ang mga dapat gawin sa panahon ng code red:

- Maging mahinahon at mapagmatyag 

Huwag mag-panic! Alamin ang mga sintomas at bantayan ang kalusugan ng pamilya. Alam niyo ba na bagamat nasa 110,000 na ang nagkakasakit dahil sa coronavirus sa buong mundo, nasa 62,000, o higit sa kalahati ng mga ito ay gumaling na?

watch now

- Makipag-ugnayan sa gobyerno para sa contact tracing 

Kung sa palagay mo ay isa ka sa mga nakasalamuha ng isang taong nakumpirmang may coronavirus, ipagbigay-alam agad para malunasan at hindi na kumalat pa ito. 

- Para sa may mga sintomas na may kasaysayan ng paglalakbay o exposure, kumonsulta agad sa pinakamalapit na health facility  para sa pagsusuring medikal.

- Sumunod nang mabuti sa home quarantine procedures

Kung ikaw ay galing sa biyahe sa labas ng bansa, mag-self-quarantine sa bahay sa loob ng 14 na araw kahit pa walang sintomas.

- Isagawa ang preventive measures gaya ng paghugas ng kamay, tamang pag-ubo, atbp.

Alamin ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay at gumamit ng alcohol para mag-disinfect. Iwasan din ang paghawak sa iyong mukha, ilong, bibig, at mata, at umiwas sa mataong lugar hangga't maari.

- Suportahan ang ating gobyerno sa layunin nitong pigilan ang community transmission: makinig at sumunod sa mga abiso ng DOH. 

Maging up-to-date sa mga kaganapan at siguraduhing mapagkakatiwalaan ang pinanggalingan ng inyong balita, gaya ng Department of Health website o DOH Facebook page.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close