embed embed2
  • Alamin: Mga Isinusulong Na Dagdag Benepisyo Para Sa Mga Solo Parent

    Pirma na lang ng Pangulo ang kailangan upang maisabatas ang mga Expanded Solo Parent Welfare bill.
    by Angela Baylon .
Alamin: Mga Isinusulong Na Dagdag Benepisyo Para Sa Mga Solo Parent
PHOTO BY shutterstock
  • Pirma at approval na lang ng Pangulo ang kulang bago tuluyang maging batas ang mga isinusulong na dagdag na benepisyo para sa mga solo parent at kanilang anak.

    Ito'y kasunod ng magandang balita na pasado na sa Senado at Kamara ang mga panukalang batas na layong palawigin ang Solo Parents Welfare Act of 2000

    Noong Lunes, Enero 25, 2022, niratipikahan na ng Senado ang Bicameral Conference Committee Report sa Senate Bill No. 1411 at House Bill No. 8097 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act. Malaking bagay ang maitutulong ng panukalang batas na ito upang maalalayan ang mga nanay o tatay na solong itinataguyod ang kanilang mga anak.

    Bukod sa mga benepisyo, kabilang sa mga inamyendahan ay ang pagpapalawig ng depinisyon o kung sino ang itinuturing na solo parent.

    Additional benefits at expanded coverage para sa mga solo parent

    Sakaling mapirmahan na ng Pangulo ang panukalang batas narito ang mga benepisyo at pribilehiyo na matatanggap ng mga solo parent sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Asawa ng mga low at semi-skilled OFWs pasok na makatanggap ng benepisyo

    Kikilalanin na rin bilang solo parent ang mga asawa ng mga low at semi-skilled workers na nagtatatrabaho sa ibang bansa o iyong mga tinatawag na Overseas Filipino Workers (OFWs).

    Adoptive parent at legal guardians tulad ng mga lolo at lola maaari ring mabigyan ng benepisyo.

    Solo parent leave

    Sa kasalukuyan, kailangan munang isang taon nang employed ang solo parent bago maaaring makagamit ng 7-day paid parental leave. Pero sa panukalang batas, mula sa isang taon, pinaikli na ito sa anim na buwan na lamang.

    Age ceiling ng anak para makakuha ng benepisyo

    Bilang pagkonsidera sa ipinatutupad nang K-12 education system, patuloy na makakatanggap ng benepisyo ang mga solo parent hanggang tumuntong ang kanilang anak sa K-12 o edad na 22.

    Financial aid para sa mga minimum wage earners

    • Kung kumikita ng minimum wage o mas mababa ang solo parent, pasok siyang makakuha ng Php1,000 na cash assistance kada-buwan.
    • Educational scholarships.
    • 10 percent discounts para sa basic necessities tulad ng gamot, gatas at diapers sa mga solo parent minimum wage earners na may anak 6 anyos pababa.
    • Mabibigyan din ng prayoridad ang mga solo parent na makakuha ng low-cost housing at Philhealth coverage.
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Bukod sa mga benepisyo, mas pagtitibayin ang mga probisyon sa Expanded Solo Parents Welfare Act upang masiguro na mga lehitimong solo parents talaga ang makikinabang sa batas.

    Sa ANC program na Headstart, kinumpirma ni Sen. Risa Hontiveros na aabot sa 15 milyon na solo parent ang matutulungan ng panukalang batas. Sa bilang na ito, halos lahat o 95% ang mga single mothers.

    Source: Senate.gov.ph

    Solo parent ka rin ba? Anong masasabi mo sa panukalang batas na ito? Ibahagi ang iyong opinyon sa comment section.

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close