embed embed2
  • DOH Reports 13 Recoveries, Answers: 'Pwede Bang Magka-COVID-19 Ulit?'

    Apat sa labintatlong ito ay mga senior citizens.
    by Ana Gonzales .
DOH Reports 13 Recoveries, Answers: 'Pwede Bang Magka-COVID-19 Ulit?'
PHOTO BY iStock
  • Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 307 ang bilang ng mga may COVID-19 sa bansa (data as of 4PM, March 21, 2020).

    Samantala, sa presscon namang pinangunahan ni Health Undersecretary Rosario Vergeire (March 21, 2020), sinabi niyang mayroon nang limang bagong naitalang recovery sa ating bansa, "Ito po ay isang napakagandang balita para sa ating lahat, amidst all of this fear, confusion, and amidst this crisis."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dagdag pa niya, apat sa limang bagong recoveries na ito ay mga nakatatanda. "Ito po ay napakalaking [regalo] para sa ating lahat na nakarinig tayo na may naka-recover po na ating mga kababayan at sila po ay kasama sa [tinatawag na] vulnerable population natin."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung idadagdag ang limang bagong naitalang recoveries na ito sa mga naunang tala, tataas na sa labintatlo ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa ating bansa.

    What other parents are reading

    Isa naman sa mga pinakamadalas na itanong pagdating sa usapang recovery ay kung pwede pa bang magkaroong muli ng COVID-19 ang mga gumaling na. "Base sa ekspiryensiya at sa mga notations galing sa ibang bansa, mayroon pong nagsasabi that there is reinfection, mayroon pong nagsasabi that there is recurrence," paliwanag niya. "Pero hanggang sa ngayon po, dito sa atin sa bansang ito, wala pa ho tayong napapatunayan na ganyan," dagdag pa niya. "Hanggang sa ngayon po, all over the globe, wala pa rin naman pong hard evidence for this. Pinag-aaralan pa hong mabuti lahat."

    What other parents are reading

    Binigyang diin din ng undersecretary na ang COVID-19 ay 'novel'—ibig sabihin, ito'y isang bagong sakit at marami pang kailangang malaman ang mga eksperto. "Everything is evolving," paliwanag niya. "Lahat po nagbabago sa bawat araw na rumesponde tayo."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Binanggit din niya ang kahalagahan ng pagkuha ng impormasyon mula lamang sa mga verified websites at social media sites para maiwasan ang ano mang panic at kalituhan. "Dapat tumutok lagi sa official sources of information, para nalalaman po natin ang tama," pagbibigay diin niya.

    What other parents are reading

    Marami ngang nagbabago sa pang-araw-araw na pagharap natin sa sakit na ito. Manatiling nakatutok sa mga tama at beripikadong ahensiya para makasiguro kang tunay ang impormasyon na iyong makukuha.

    Para sa mga karagdagang reports tungkol sa COVID-19, bisitahin ang website na ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles