embed embed2
  • Binigay Na Ni Doug Kramer Ang Christmas Gift Niya Kay Chesca

    All together now: sana all!
    by Jocelyn Valle .
  • May ilang araw pa bago sumapit ang Pasko, pero ibinigay na ni Doug Kramer ang kanyang Christmas gift sa kanyang misis na si Chesca Garcia

    Pinasilip rin ng dating professional basketball player sa kanyang social media followers nitong Saturday, December 19, 2020, kung ano ang regalo niya sa actress-host. Hindi iyon mahirap mahulaan base sa hugis, laki at balot na white car cover na may red ribbon. Oo, isa itong SUV!

    Nag-iwan si Doug ng mga clue sa caption ng kanyang Instagram post. Lahad niya patungkol kay Chesca: “I know there are more important matters to you. But there are some things I don’t forget. I still remember the day we had to sell your favorite car to meet our needs.”

    Naikuwento na dati ng celebrity couple ang money struggles na pinagdaanan nila noong mga unang taon ng kanilang pagsasama. Taong 2008 sila ikinasal at nagkaroon ng three kids: Kendra,11, Scarlett, 9, at Gavin, 7. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagsimula sila sa pagrerenta ng one-bedroom condo unit hanggang dumating si Kendra at sinundan ni Scarlett, kaya lumipat sila sa townhouse. Pero nang dumating na si Gavin, nagpasya silang magpundar ng sariling bahay.

    Nagawa lang ng mag-asawa ang kanilang plano nang ibenta nila ang dalawang sasakyan ni Chesca para mabayaran ang downpayment. Sa ngayon, nakatira na ang mag-anak sa four-story house na tinatawag nilang “forever” home.

    Dagdag pa ni Doug sa kanyang appreciation post para kay Chesca: “We never fought about money, you never complained either. I just lost some hair, but that’s ok! Our joy is always fixed on Him! I love our journey of lessons and sacrifices! Merry Christmas, sweetheart! I love you!”

    Pero may hirit siya sa asawa: “P.S. What’s yours is mine, so I get to use it, too! Haha!”

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles