embed embed2
  • DepEd Nag-Abiso Tungkol Sa Kumalat Na School Year 2020-2021 Schedule

    Sa kanila daw mismo manggagaling ang impormasyon, ayon sa FB page nila.
    by Lei Dimarucut-Sison .
DepEd Nag-Abiso Tungkol Sa Kumalat Na School Year 2020-2021 Schedule
  • Halos lahat ng mga magulang na mayroong mag-aaral sa elementary at high school ay nakaabang na sa anunsyo ng Department of Education (DepEd) ukol sa pagbubukas ng school year ngayong taon, sa gitna ng COVID-19 pandemic. Kaya nang umikot sa social media ang isang "memo" na may pamagat na "School Calendar for School Year 2020-2021," kaagad itong kumalat.

    Pero ang sabi ng mga opisyal ng DepEd, fake ang dokumentong ito.

    "This photo is not from the Department of Education," sabi sa isang advisory sa official Facebook page nila. 

    "We would like to clarify that the information from a malicious photo circulating online of what is supposedly the school calendar for SY 2020-2021 is FALSE and UNOFFICIAL." 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa fake na memo, nakasaad na August 3, 2020 magbubukas ang klase at magtatapos naman sa April 16, 2021.

    Nakalista din dito ang schedule ng quarterly exam, pati na ang Christmas break. 

    Paalala ng DepEd, maging responsable ang lahat sa pagbabahagi ng mga impormasyon, at ugaliing i-verify muna kung ito ay totoo.

    Sinabi din dito na sa kanila mismo manggagaling kapag mayroon nang desisyon tungkol sa schedule ng school year 2020-2021.

    "The Department of Education will officially release the school calendar for SY 2020-2021 through a DepEd Memorandum that will be posted on the DepEd website and announced through the DepEd Philippines Facebook page.

    Basahin dito ang pinaka-latest announcement tungkol sa schedule ng school year 2020-2021 . 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles