Tagalog,DepEd,toddler stage,big kids stage,preschool stage,covid-19,homeschooler,School Year 2020-2021 Will Start On August 24,deped, department of education, covid-19, school year 2020-2021, school, school year, online learning, deped commons,Inanunsyo na nga ng Department of Education kung kailan ang opisyal na pagbubukas ng klase ngayong taon.
ParentingPreschooler

DepEd: Magbubukas Ang School Year 2020-2021 Sa August 24

Pero hindi ibig sabihin nito na papasok na physically sa mga paaralan ang mga bata.
PHOTO BYiStock

Pormal na ngang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng school year 2020-2021 sa ika-24 ng Agosto, habang patuloy pa ring nakikipaglaban ang bansa sa banta ng COVID-19 pandemic.

Ibinahagi ito ni DepEd secretary Leonor Briones sa Laging Handa virtual presser, umaga ngayong araw, May 5. Ayon sa kanya, ang desisyon na ito ay base sa pag-uusap ng executive committee at management committee ng kagawaran.

Base rin ang desisyon sa sagot ng humigit kumulang 700,000 respondents sa inilunsad na survey ng Deped para makuha ang pulso ng masa tungkol sa pag-aaral ng mga bata. "Ang napili nating school opening date ay August 24, pero hindi ibig sabihin na lahat pisikal nang papasok," paliwanag ni Briones.

"Kasi may lockdown tayo sa iba't-ibang lugar. Pwedeng virtual. Pwedeng physical sa mga lugar na inaallow ang physical na pagbubukas ng mga eskwelahan," dagdag pa niya. Matatapos ang school year sa April 30, 2021.

Sabi pa ni Briones, ang pinakamalaking konsiderasyon nila sa desisyon na ito ay ang layunin nilang gawing prayoridad ang pagbibigay ng proteksyon sa kalusuguan ng mga mag-aaral. "'Yun ang pinakaunang priority natin kaya sumusunod tayo sa mga polisiya ng IATF, but at the same time, gusto natin na patuloy ang edukasyon," pahayag niya.

"Ang ating kabataan, habang nasa bahay, kailangang patuloy din ang pag-aaral nila. Patuloy din ang pag-acquire nila ng knowledge. Pero, mas malaki na ang papel ng mga magulang at mga lola at lolo [pagdating sa pag-aaral] ng mga bata," aniya.

Inamin naman ng kagawaran na malaking hamon ang dinala sa kanila ng COVID-19. "'Yung mga bagong pamamaraan sa pagtuturo na inumpisahan natin wala pa ang COVID pandemic ay pinabilisan natin at binigyan ng emphasis. Kasi mayroon namang tinatawag na flexible learning options."

Paliwanag ni Briones, mayroon nang mga paaralang nagpahayag na handa na ang kanilang mga pasilidad para turuan ang mga estudyante online—public school man o private.

Sa kabilang banda, lumalabas naman sa survey na ginawa nila na malaking porsyento ng bilang ng respondents ang walang access sa mga online learning resources. Marami ang nakakapag-aral sa pamamagitan ng cellphone, habang ang iba naman, lalo ang mga taong mula sa mga malalayong lugar ang umaasa sa telebisyon at sa radyo.

Bukod pa sa pagbabago ng pamamaraan ng pagtuturo, pagtutuunan din ng pansin ng kagawaran ang pagbabago sa curriculum. "Kasama na rin ang pagbabago ng curriculum—hindi lamang sa paraan ng pagtuturo, kundi ang content also ng ating curriculum, ating baguhin," sabi ni Briones.

Kanselado na rin ang mga school activities tulad ng Palarong Pambansa at Brigada Eskwela. Pansamantala na ring ititigil ang mga science fairs, trade fairs, at kahit ang inaabangan ng maraming mag-aaral na campus journalism.

"Yung mga usual activities na exciting at nakakatuwa ay cancelled muna," panawagan ni Briones. Lalong-lalo na raw sa mga lugar na patuloy na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

"Talagang magbabago na ang buhay natin, lalo na [para] sa ating mga kabataan," pahayag niya. "Patuloy lang tayo sa paghahanap ng makapabagong paraan para matuto pa rin ang mga bata."

Ang mga guro naman ay balik-eskwela na sa June 1—ang opisyal na simula ng enrollment. "Ang ating mga teachers, June 1 pa lang magre-render na sila ng service, whether physically or virtually, hanggang June 30," paliwanag ni Briones.

watch now

Ayon pa sa DepEd secretary, mula June 1 hanggang sa pagbubukas ng klase sa August 24, sasailalim ang mga guro sa capacity building para maihanda sila sa mga makabagong paraan ng pagtuturo sa mga bata. "Yung ating nakasanayang very close physical contact with our learners and teachers, magbabago na iyon."

Para sa iba pang kwento at balitang tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close