;
embed embed2
  • Tuloy-Tuloy Ang Edukasyon: DepEd Naglunsad Ng Online Platform Para Sa Distance Learning

    Tinawag nila itong DepEd Commons.
    by Ana Gonzales .
Tuloy-Tuloy Ang Edukasyon: DepEd Naglunsad Ng Online Platform Para Sa Distance Learning
PHOTO BY Wikipedia
  • Sabi nga nila, edukasyon ang isa sa mga pinakamahahalagang maaari mong maipasa sa iyong mga anak. Kaya naman sa kabila ng banta ng COVID-19 sa ating bansa, pilit na humahanap ang mga magulang ng mga paraan para maipagpatuloy ng mga anak nila ang kanilang pag-aaral.

    Buti na lang at maraming mga publishers, homeschooling moms, art teachers at iba pa ang nagbabahagi ng mga learning tools at resources na pwedeng i-access online.

    Katulad ng iba pang mga sangay ng gobyerno, pinaghahandaan din ng Department of Education (DepEd) ang mga posibleng maging epekto ng kasalukuyang nangyayari sa ating bansa sa pag-aaral ng mga bata.

    What other parents are reading

    Kaya naman inilunsad ng kagawaran ang DepEd Commons. Isang website kung saan makakakuha ang mga public school teachers, maging ang mga magulang, ng mga libreng educational resources para sa mga batang kinder hanggang Grade 10. Sa ganitong paraan, natututo pa rin ang mga estudyante kahit nasa bahay lang sila. Maipagpapatuloy din ng mga guro at ng mga magulang ang pinaka-basic na pagtuturo sa mga bata.

    Sa isang nauna nang report ng Manila Bulletin, sinabi ni Secretary Leonor Briones na kailangang magpatuloy ang edukasyon sa kabila ng kalamidad. "Education must continue even in times of crisis, whether it may be a calamity, disaster, emergency, quarantine, or even war."

    What other parents are reading

    Sabi naman ni Undersecretary Alain del Pascua, noon pa man, tuwing may bagyo, pagbaha, lindol, pagputok ng bulkan at iba pa, ay nag-aalala na sila tungkol sa pag-aaral ng mga batang naaapektuhan ng ganitong mga kalamidad. "We have longed for the time when suspension of classes will not in any way obstruct nor delay the education of our school children," pahayag niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ipinaliwanag din ng undersecretary na kung gagamitin ng mga guro and DepEd Commons, maaari nilang baguhin ang ilang content na narito nang naaayon sa alam nilang mas makakatulong sa mga mag-aaral. "Teachers can retain, reuse, revise, remix, and redistribute the content by blending it with a learning management system to deliver a distance learning modality," pahayag ni Pascua.

    What other parents are reading

    Pwede mong i-access ang DepEd Commons website dito: https://commons.deped.gov.ph. Ayon kay Pascua, nasa 'initial stages' pa lang ang website kaya hindi pa ito kumpleto o perpekto. Dagdag pa niya, marami pa itong mga limitasyon. Hindi pa ganoon karami ang mga resources na laman nito at lalagyan pa ito ng nakahiwalay na channels para sa mga magulang, guro, at mag-aaral. "These supplementary online instructional materials will be used as alternative forms in the teaching-learning process which is different from the usual face-to-face encounter," paliwanag niya.

    Paano mo sinisigurong nakakapag-aral pa rin ang mga anak mo ngayong naka-enhanced community quarantine ang buong Luzon? Anu-ano ang mga ginagamit mong online learning resources para turuan sila? I-share mo lang ang iyong experience sa comments section.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles