embed embed2
  • Pinagiisipan Ni DepEd Na August Na Ang Pasukan At Hindi Kailangang Balik Sa Eskwelahan

    Unti-unti na rin nilang ibinabahagi ang iba pa nilang plano para sa school year 2020-2021.
    by Ana Gonzales .
Pinagiisipan Ni DepEd Na August Na Ang Pasukan At Hindi Kailangang Balik Sa Eskwelahan
PHOTO BY iStock
  • Paano na nga ba ang pag-aaral ng mga bata ngayong mayroong banta ng novel coronavirus o COVID-19?

    Marso ngayong taon nang inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang DepEd Commons—isang online platform para sa distance learning. Puno ito ng mga resources, hindi lang para sa mga mag-aaral, kundi pati na rin para sa mga guro at mga magulang.

    Bukod pa sa pagsusulong ng mga klase online, marami pang iniisip na plano ang kagawaran para sa school year 2020-2021.

    What other parents are reading

    Nauna na nga nilang ipinatigil ang mga graduation rites at moving up ceremonies na para sana sa school year 2019-2020. Ayon sa kagawaran, ang mga ito'y "postponed indefinitely" o hindi muna matutuloy hangga't hindi nagiging stable ang nangyayari sa ating bansa.

    Kasunod nito'y pinag-iisipin na rin ng DepEd na gamitin ang radyo at telebisyon para maging alternatibong paraan para makapagturo sa mga mag-aaral sa paparating na school year. Ayon kasi kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, ang pagbubukas ng school year 2020-2021 ay hindi nangangahulugang babalik na ang mga mag-aaral sa mga paaralan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kasalukuyan pang naghahanap ang ahensya ng ibang paraan para makapaghatid ng mga leksyon sa mga estudyante.

    What other parents are reading

    Iniisip na rin ng ahensya na i-delay ang pasukan hanggang Agosto ngayong taon sa halip na umpisahan ito sa Hunyo gaya ng nakaugalian. Pinag-aaralan pa ng DepEd kung paano makasisigurong matututo pa rin ang mga bata nang hindi na sila pumupunta sa paaralan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa isang public briefing, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na nagmula ang desisyong ito sa rekomendasyon ng mga kinonsulta nilang advisers, officials, sectors, at stakeholders. Maging ang mga guro ay tumulong din sa ahensya para makapagdesisyon.

    "Tinatanong namin anong sa palagay nila ang tamang panahon na magbukas ng eskuwelahan," paliwanag ni Briones. "Right now ang lumabas sa ating consultations ay karamihan... para sa August."

    What other parents are reading

    Naglunsad na rin ng online survey ang DepEd para maintindihan kung ano nga ba ang opinyon ng publiko tungkol sa paparating na school year.

    Kasalukuyan ding pinapasimple ng kagawaran ang curriculum ng mga mag-aaral para limitahan ito sa mga pinakaimportanteng aralin lamang. "Ang isang ginagawa ng aming Bureau of Curriculum Development of Curriculum Instruction—kahapon lang nag-meeting kami with the Secretary—binabalangkas nila yung most essential learning competencies mula sa curriculum," sabi ni Malaluan nang kapanayamin siya ng Dobol B sa News TV.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "In other words, 'yung curriculum natin na malawak, 'yan ang titignan kung ano ang most essential at 'yan ang magiging prayoridad na i-deliver through various modalities," dagdag pa niya.

    "Fake news!" naman ang sigaw ng DepEd sa ngayo'y trending na na "memo" diumano ng "School Calendar for School Year 2020-2021."

    Ayon sa kanilang Facebook page, hindi nanggaling sa kanila ang naturang memo. "We would like to clarify that the information from a malicious photo circulating online of what is supposedly the school calendar for SY 2020-2021 is FALSE and UNOFFICIAL," sabi ng post.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinasabi sa pekeng memo na magsisimula ang pasukan sa ikatlo ng Agosto ngayong taon. Nakalista rin sa memo ang petsa ng diumano'y "Christmas breaks" at iba pang holidays.

    Panawagan ng DepEd, mga posts lamang nila sa kanilang official social media accounts ang dapat paniwalaan. "DepEd will officially release the school calendar for SY 2020-2021 through a DepEd Memorandum," sabi nila sa kanilang Facebook page.

    Para hindi mabiktima ng pekeng balita tungkol sa COVID-19, sundan ang reportr.world. I-click mo lang ito.

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles