;
embed embed2
  • STUDY: Filipino 4th Graders, Pinakamababa Sa Buong Mundo Sa Math At Science

    Samantala, top achievers naman ang Singapore at Korea
    by Ana Gonzales .
STUDY: Filipino 4th Graders, Pinakamababa Sa Buong Mundo Sa Math At Science
PHOTO BY Shutterstock
  • Lumalabas sa Trends in International Mathematics and Science Study 2019 (TIMSS) na pinakamababa sa listahan ng mahigit 50 bansa ang Pilipinas pagdating sa international assessment sa math at science ng mga Grade 4 students.

    Sa naturang pag-aaral, 297 ang naging score ng ating bansa sa math, habang 249 naman sa science. Ang mga scores na ito ang siyang ikinumpara sa mga scores ng iba pang bansa. Ayon sa TIMSS, lubhang mas mababa ang marka ng mga Pinoy Grade 4 students.

    Samantala, mataas naman ang nakuhang marka ng mga karatig bansa natin tulad ng Singapore, na nakakuha ng 635 sa mathematics at 595 sa science.

    Sinusukat sa naturang pagsusulit ang kakayahan ng mga Grade 4 at Grade 8 students mula sa iba't-ibang bansa sa buong mundo.

    Ang pag-aaral ay sumusunod sa tinatawag na 4 International Benchmarks para sukatin ang kakayahan ng mga estudyante. Kabilang sa mga benchmarks ang:

    • Advanced International Benchmark (625)
    • High International Benchmark (550)
    • Intermediate Benchmark (475)
    • Low International Benchmark (400)

    Ayon pa sa pag-aaral, 19% ng mga Filipino students ang pasok sa low intermediate benchmark. Indikasyon ito na, kaunti lamang ang may basic mathematical knowledge.

    Ibig sabihin, kaya ng mga Filipino 4th Graders na mag-add, subtract, multiply, at divide ng one- at two-digit whole numbers. Kaya rin nila ang mga simpleng word problems at may kaunti rin silang kaalaman sa fractions at common geometric shapes.

    Nakakabasa rin sila ng mga simpleng bar graphs at tables, sabi pa sa pag-aaral. Samantala, sa ilalim naman ng international benchmark, lumalabas na anim na porsyento lang ng mga Filipino students ang kayang i-apply ang mga basic mathematical knowledge sa mga simpleng sitwasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdating naman sa science, 13% ng mga Pinoy students ang kasama sa low benchmark. Ibig sabihin ang mga estudyanteng ito ay nagpapakita ng limitadong pagkakaintindi sa mga scientific concepts at foundational science facts.

    May 5% naman na nakapasok sa intermediate benchmark, habang 1% lang ang nakapasok sa high benchmark.

    Ang iba pang mga bansang kabilang sa bottom five ay Morocco, Kuwait, South Africa, at Pakistan.

    Hindi ito ang unang pagkakataon na lumabas sa mga international studies ang poor academic performance ng mga estudyante sa ating bansa.

    Noong isang taon lang, lumabas na isa sa pinakamababa ang ating bansa pagdating sa reading literacy, kumpara sa 79 iba pang bansa.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles