
PHOTO BY VanveenJF/Unsplash

Trending in Summit Network
Humingi ng paumanhin ang Hong Kong Express Airways sa isang pasahero matapos ipilit ng airline staff na sumailalim ito sa pregnancy test para makalipad mula Hong Kong hanggang Saipan.
Ayon sa ulat ng BBC News, nangyari ang insidente noong November 2019 sa pasaherong nagngangalang Midori Nishida, 25 years old.
Bago pa ang kanyang flight sa Hong Kong Express Airways ay dineklara na ni Nishida sa standard questionnaire na hindi siya buntis.
Ngunit pinilit pa rin siya ng airline staff na sumailalim sa isang assessment, kabilang ang pregnancy test. Hinatid siya sa banyo at binigyan ng test strip para sa kanyang urine sample.
Nang bumalik ang resulta, negative ito, at saka pa lang pinayagan ang pasahero na sumakay ng eroplano at makita ang kanyang pamilya, na dalawang dekada nang nakatira sa Saipan.
Lumaki si Nishida sa Saipan, ang pinakamalaking isla sa Northern Mariana Islands na matatagpuan sa western Pacific Ocean, pero namamalagi na siya ngayon sa siyudad ng Tokyo sa Japan.
Tinawag niyang “very humiliating and frustrating” ang kanyang karanasan at sinabing binale-wala ng airline management ang kanyang naunang mga reklamo.
Binanggit sa news report na ang Saipan, na isang U.S. territory, ay nagiging popular na destinasyon para sa mga buntis galing ng ibang bansa upang doon manganak.
Sinusunod kasi ng United States ang legal principle na jus soli—o right of the soil—kaya nabibigyan ng birthright citizenship ang sinumang ipinanganak sa teritoryo nito.
May ulat sa Saipan na noong 2018 ay mas maraming turista kesa residente ang nanganak sa Northern Mariana Islands. Malaki daw ang kinalaman nito sa mga dumadagsang buntis galing labas ng teritoryo, tulad ng China, na bumibiyahe para manganak.
Ayon pa sa news report ay sinikap lamang ng airline na masiguro na hindi nalalabag ang U.S. immigration laws.
Dagdag na paliwanag pa raw ng airline na ang pregnancy test ay bahagi ng “fit-to-fly” assessment. Gayunpaman, nag-sorry na ito nang walang pangamba o “unreservedly” dahil sa insidente.
Sa isang pahayag ng Hong Kong Express Airways na ipinadala sa NBC News, sinabi nito, “We would like to apologize unreservedly to anyone who has been affected by this."
Diin pa ng airline, “We took actions on flights to Saipan from February 2019 to help ensure US immigration laws were not undermined.”
Kumilos lamang daw sila dahil sa mga pag-alala ng mga opisyales ng Northern Mariana Islands. Sa huli ay nagsabi ito na,“We have immediately suspended the practice while we review it.”
Basahin dito ang ibig sabihin ng faint line sa pregnancy test.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Step 1:
Open the email in your inbox.
Step 2:
Click on the link in the email.
Step 3:
Continue to reset your password on Smartparenting.com.ph.