;
embed embed2
  • ‘Andi’s Been A Great Co-Parent,' Sabi Ni Jake Ejercito Sa Pagpapalaki Sa Kanilang Anak

    Binisita ni Jake si Ellie sa Siargao, kung saan nakabase sila ni Andi.
    by Jocelyn Valle .
  • Umani ng papuri si Jake Ejercito mula sa kanyang social media followers nang ibahagi niya ang ilang litrato ng biyahe niya sa Siargao para makita at sunduin ang kanyang 9-year-old daughter na si Ellie Eigenmann Ejercito.

    Kasama ni Ellie sa Siargao ang kanyang mommy na si Andi Eigenmann. Ang fiancé ni Andi na si Philmar Alipayo ay tubong Siargao. Mayroon silang dalawang anak: sina Lilo at Koa

    Nilinaw naman ni Jake sa Facebook post niya nitong March 23, 2021 na bagamat “truly humbled” at naa-appreciate niya ang pagsasabing “good” dad siya kay Ellie, wala naman daw siyang ginagawang 'anything special.”

    Aniya sa caption, “I’m just trying to be the best dad for my daughter.”

    At hindi niya raw iyon magagawa mag-isa lalo na noong nagu-umpisa pa lang siyang maging magulang sa gitna ng tinatawag niyang “less than ideal situation.” (Isinapubliko niya ang pagiging daddy kay Ellie noong 2016, kung kailan 26 years old siya.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kinuha ni Jake ang pagkakataon na pasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya para magampanan ang kanyang tungkulin bilang tatay.

    Sabi nga niya, “God knows how it would’ve turned out without the guidance and support extended to me/us by my parents, siblings, relatives, and our kasambahays.”

    Dagdag pa niya, “And of course, Andi’s been a great co-parent, too. They da real MVP’s!”

    Paliwanag ni Jake na hindi lang nakikita ang mga taong iyon sa photo at video posts nilang mag-ama. Pero ang totoo raw, “It does take a village to raise a child, and boy, do we have an awesome one.”

    May mensahe rin si Jake sa mga kapwa niya young dads: “There’s nothing more fulfilling and beautiful in the world than to grow with and be best buddies with your child.”

    Sa nauna niyang post, sinabi ni Jake na nakahanap siya ng “angel for a tour guide” sa katauhan ni Ellie. Unang beses pa lang daw niyang makapunta sa Siargao.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles