-
Heto Na Ang New Normal: Jeep Na May Dividers, Contactless Flights At Iba Pa
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Napakalaki na nga ng ipinagbago ng ating pamumuhay dahil sa banta ng COVID-19. Walang ng-akalang aabot tayo sa punto na hindi tayo makakalabas ng ating mga tahanan ng halos dalawang buwan.
Ngayong modified enhanced community quarantine na sa Metro Manila at general community quarantine naman sa ibang bahagi ng bansa, nag-aadjust ang lahat sa tinatawag nating 'new normal'.
Mga pagbabago sa ilalim ng new normal
Contactless na ang mga flights
Kamakailan ay inilabas ng Cebu Pacific ang kanilang mga plano at bagong panukala para maipatupad ang contactless flights.
Patuloy na ipapatupad ang social distancing saan mang bahagi ng paliparan.PHOTO BY Cebu PacificSa new normal, bawat hakbang bago ka makasakay ng eroplano ay contactless na.PHOTO BY Cebu PacificADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMukhang magiging bahagi na nga ng new normal ang miya't-miyang pagdidisinfect ng mga gamit.PHOTO BY Cebu PacificPati mga flight attendants ay magsusuot na rin ng mga personal protective equipment.PHOTO BY Cebu PacificADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosVideo conferencing na ang mga parties
Dahil kailangang limitahan ang bilang ng mga bisita, mukhang hindi na muna matutuloy ang mga engrandeng birthday parties sa new normal.
Isang magandang halimbawa ng party o handaan sa new normal ay ang binyag ng anak ni Divine Lee na ginawa nila sa pamamagitan ng video conferencing tool na Zoom.PHOTO BY Divine LeeLimitado na ang mga pasahero sa pampublikong sasakyan
Kung noon ay uso sa mga bus at jeep ang sabit at siksikan, sa new normal, hindi na ito papayagan. One seat apart na ang mga sasakay sa bus at hindi na rin pwedeng magpatayo ng mga pasahero.
Nauuso nga ngayon ang mga ganitong dividers sa mga jeepneys para maiwasan ang siksikan sa mga pasahero.PHOTO BY Mau VictaADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNirecycle ng jeepney driver ang mga Panagbenga tarpaulins na ito. Nilagyan na rin niya ng plastic cover ang kanyang likuran.PHOTO BY Mau VictaParang kailan lang, pinaplano pa natin ang mga parties ng mga anak natin, pati na rin ang kanilang summer vacation at summer classes. Ngayon, hinihikayat na ang lahat na huwag munang lumabas kung hindi naman talaga kinakailangan.
Malaking sakripisyo man para sa nakararami, para naman ito sa ating kalusugan.
Kayo? Kumusta ang experience ninyo ngayong 'nagbukas' na ngang muli ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Pilipinas? Ikwento niyo 'yan sa comments section.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments