;
embed embed2
  • Larawan Ng Kasiyahan Sina Jennylyn Mercado At Dennis Trillo Kasama Ang Mga Anak

    Parehong boys ang mga anak ng Kapuso stars sa dati nilang mga karelasyon.
    by Jocelyn Valle .
  • Larawan ng kasiyahan si Jennylyn Mercado nang bumati siya sa kanyang social media followers noong bagong taon. Kasama niya sa litrato ang kanyang 12-year-old son na si Alex Jazz, longtime boyfriend na si Dennis Trillo, at ang 13-year-old son nito na si Calix Andreas.

    Pahayag ng singer/actress/entrepreneur sa caption, “If 2020 taught us anything, it’s to not take anything for granted. HAPPY NEW YEAR, BESSIES! May the world become a better place for everyone this 2021!”

    Ibinahagi naman ni Dennis sa kanyang sariling Instagram account ang video na nagpapakita kung paano nila ipinagdiwang ni Jennylyn ang unang gabi ng 2021. Nag-dinner sila out of town para sa selebrasyon din ng kanilang “seven years strong” bilang magkasintahan.

    Kasama sa nagpapatibay ng kanilang relasyon ang kani-kanilang mga anak. Makikita sa mga naunang posts nilang dalawa na maayos ang kanilang samahan, at matatawag silang blended family.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Katuwang ni Dennis si Jennylyn at Jazz nang bigyan nila ng basketball-themed birthday party si Calix noong September 22, 2020. Si Calix ang anak ng aktor sa ex-girlfriend na si Carlene Aguilar, na dati ring beauty queen at aktres.

    Nang mag-birthday naman si Jazz noong August 16, nagbihis si Dennis bilang si Blippi mula sa educational videos for kids. Blippi ang pangalan ng karakter na ginagampanan ng American entertainer at educator na si Stevin John

    Lubos ang pasalamat ni Jennylyn sa ibinigay na sorpresa ni Dennis para kay Jazz. Aniya sa birthday post niya sa anak, “My sweet and precious birthday boy couldn’t have asked for a better birthday surprise. Thank you, @dennistrillo for channeling your inner Blippi. I love you, Jazzy!”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa isa pang video na ibinahagi ni Dennis, nagkaroon silang mag-anak na outing para mag-swimming sa pool ng isang hotel. Simpleng “afternoon delight” ang paglalarawan niya sa kanilang bonding activity.

    Samantala, maayos din ang relasyon nila Jennylyn at Jazz sa daddy ng bata at ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia, pati na sa asawa at mga anak nito. (Basahin dito).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Jazz ang nasilbing ring bearer sa kasal ni Patrick kay Nikka Martinez noong March 2015. Sila Patrick at Nikka ay mayroon na ngayong three daughters: Chelsea, Patrice, at Pia

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles