Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Bakit Nagpasya Si Judy Ann Santos Na Gawing Private Ang Kanyang Instagram Account

    Public pa rin ang isa nyang Instagram account para sa YouTube show na Judy Ann's Kitchen.
    by Jocelyn Valle .
  • Nakapanayam namin si Judy Ann Santos sa naganap na bago nitong endorsement noong October 23, sa Blue Leaf Events Pavilion, Fort Bonifacio sa Taguig City.
    PHOTO BY Jocelyn Valle

    Kamakailan ay nagpasiya si Judy Ann Santos na gawing private ang setting ng kanyang Instagram account, @officialjuday, na may 2.8 million followers. Ito raw ay para sa kanyang “peace of mind,” ani ng 41 anyos na aktres at chef, na kilala din sa palayaw na Juday.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Ang dami kasing may opinyon, di ba?” lahad niya sa SmartParenting.com.ph at iba pang media representatives sa product launch ng kanyang pinakabagong endorsement, ang Coco Mama fresh gata in a pouch.

    “It’s my Instagram,” dagdag niya. “Kesa may masabi pa akong mga hindi maganda sa mga tao, nag-private muna ako kasi hindi naman nila papakinggan ang explanation ko. They will still believe in the things that they want to believe in.”

    “Ang pangit kasi na nag-a-away sa comments’ section,” paliwanag pa niya. “Of course, they’re free to, you know, say their own opinion. But I just feel that it’s so negative already na may choice naman tayong maging positive. So ’yon ang choice ko, maging positive.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Hindi tinukoy ni Judy Ann kung ano o sino ang naging mitsa ng kanyang pasya, ngunit makailang beses na rin siyang nakipagsagutan sa comments’ section. Nang nag-post siya, halimbawa, ngpakikiramay at pagpupugay sa namayapang aktor na si Eddie Garcia noong June 2019 ay nakatanggap siya ng negatibong reaksyon na sinagot naman niya. Aniya sa nagkomento ay wala siyang sinisisi sa pagkawala ng aktor na nangyari habang nagte-taping para sa isang teleserye.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noong 2018, sa mismong kaarawan niya na May 11, ay nakasagutan niya ang pumuna sa kanyang Instagram photo kung saan walang bahid ng makeup ang kanyang mukha. Makaraanang isang buwan, may pumuna naman na hindi daw nababawasan ang timbang ng aktres kahit nagda-diet ito at sumagot din naman ang lead star ng kasalukuyang primetime drama series na Starla.

    “Pinraybeyt ko muna siya for my peace of mind,” diin ni Judy Ann, na ina din sa tatlong anak na sina Yohan, Lucho, at Luna. “Kasi wala akong energy na mag-explain sa mga taong hindi naman papakinggan ang rason mo. May sarili silang paniniwalaan at iba-bash ka lang nang iba-bash, so hindi ako magsasayang ng energy sa kanila. Hindi ako nagbabayad ng tax para sa kanila.”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles