Nakalabas na nga ng ospital kagabi, si Veronica “Kitty” Duterte matapos ma-confine dahil sa dengue nito lang October 7, ayon kay Senador Bong Go.
Sa nauna naming ulat, nag-post pa ang 13-anyos na dalaga sa kanyang Instagram story nang dalawin siya ng kanyang ama at mga kaibigan sa ospital. Galing pang Russia ang pangulo para diumano ay palawakin ang “Philippines-Russia cooperation" patungkol sa trade, economics, defense, military, health, at science and technology. Dumiretso agad sa Davao ang pangulo dahil na rin sa labis na pag-aalala sa anak.
Isa si Kitty sa mga nabakunaan ng Dengvaxia vaccine noong isang taon. Kasalukuyang naka-ban ang Dengvaxia sa bansa dahil sa kontrobersiyang nakapalibot dito nang sabihin ng vaccine maker na Sanofi Pasteur na hindi dapat iturok ang naturang bakuna sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue. Hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa DOH ang apela ng Sanofi Pasteur para matanggal ang naturang ban. Patuloy ang pag-deny ng DOH sa apela dahil diumano sa pagkukulang ng Sanofi Pasteur na patunayang ginawa nila ang lahat upang siguraduhing walang masamang epekto o “adverse effect” ang Dengvaxia vaccine.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
CONTINUE READING BELOW
Recommended Videos
Celebrate your pregnancy milestones!
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!
You're almost there! Check your inbox.
We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.