embed embed2
  • Lechon, Fish Fillet At Iba Pang Pakulo Sa Alfonso, Cavite Para Sumunod Sa ECQ!

    May ilang dagdag serbisyo ang lokal na pamahalaan sa mga residente nito.
    by Jocelyn Valle .
  • Lechon ang sagot ng pamunuan ng bayan ng Alfonso sa Cavite upang mahikayat ang mga residente dito na huwag lumabag sa panuntunan ng enhanced community quarantine (ECQ). Isinailalim sa ECQ ang buong Luzon noong March 17, 2020 upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagpirmi sa bahay at pagdistansya sa ibang tao. 

    Bukod sa Alfonso ay may 22 pang bayan at siyudad sa probinsya ng Cavite. Nakapaskil sa Go Cavite Facebook page ang listahan ng mga lumalabag sa ECQ. Sa huling talaan na posted nitong April 26 ay mayroong 588 violators, at walo ang mula sa Alfonso. 

    Kinabukasan, April 27, inanunsiyo sa Facebook page ni Alfonso Mayor Randy Salamat na may contest para sa "Best in Lechon" award na igagawad sa barangay na may pinakakaunti o walang ECQ violator. Ang premyo ay sampung piraso ng lechon na donasyon mula sa pribadong sektor. Tatakbo ang contest hanggang May 15, 2020 — ang posibleng petsa sa pagtatapos ng ECQ.

    What other parents are reading

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bago ang lechon contest, nagkaroon ng paligsahan sa paggawa ng recipe gamit ang fish fillet. Nagtapos ito noong April 25. Ang nanalong sweet and sour recipe ay nagkamit ng premyong 10 kilo ng fish fillet para sa may gawa nito na si Haydie Laguardia.

    Ang mga runner-up (creamy fish fillet casserole, breaded crispy fish fillet with tartar sauce, at fish fillet with mayo garlic dip) ay pinagkalooban tig-isa ng 5 kilo, 4 kilo, at 3 kilo ng fish fillet ang mga maygawa ng recipe.

    What other parents are reading

    Bukod sa mga contest ay tuloy-tuloy ang pamamahagi ng relief food pack sa bayan ng Alfonso. Namigay din ng manok para sa mga residenteng Muslim bilang tulong sa pagdiwang nila ng Ramadan, na nagsimula noong April 24. Sa loob ng isang buwan ay kakain lamang sila pagkatapos mag-fasting mula pagsikat hanggang paglubog ng araw. Ang paghahanda ng kanilang pagkain, tulad ng manok, ay alinsunod sa Islamic laws at tinatawag na halal.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hinahanda na rin ng lokal na pamahalaan ng Alfonso ang dalawang ektaryang lupain na gagamitin para sa "Org-ANI-ko: A Farm to Table Program." Layunin ng programang ito na libreng ipamahagi ang ani mula sa pagtatanim ng mga gulay tulad ng talong, okra, kalabasa, kamatis, ampalaya, repolyo, string beans, mustard, at tapioca. Isa ito sa kanilang paraan para masiguro ang food supply pagkatapos ng ECQ.

    Ang ilan pang dagdag serbisyong hatid ng munisipyo ay ang mobile palengke, mobile botika, at pagpapadala ng cash assistance, via money remittance service, sa mga residente na naabutan ng ECQ sa mga lugar na hindi sakop ng Alfonso.

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles