embed embed2
  • Nanganak Na Si Luane Dy! 'Anak, Salamat Sa Ligayang Iyong Dala'

    Ang pangalan ng pangany ni Luane ay Jose Christiano.
    by Jocelyn Valle .
  • Isinilang ni Luane Dy ang panganay nilang anak ng mister na si Carlo Gonzalez nitong April 30, 2020. Ito ay ayon sa GMA Artist Center, ang talent agency ng GMA Network na nangangalaga sa career ni Luane. Dagdag nito na baby boy ang unang supling nila Luane at Carlo na pinangalangan nilang Jose Christiano.

    Dalawang araw pagkatapos manganak ay nag-post si Luane sa Instagram ng litrato ng kamay ng sanggol na hawak niya. Ani ng new mom sa caption, “Anak, salamat sa ligayang iyong dala. Nawa’y hindi tayo mawalay hanggang sa aking pag tanda.”

    Patuloy niya sa pakikiusap sa anak, “Buong buhay kong pagmamahal sayo’y ipadarama. Masuklian lamang sa aki’y tunay mong halaga. Ikaw ang buhay ng aking buhay sinta. Tunay, mahal na mahal kita. I love you, son.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

    Noon ding araw na iyon, May 2, nag-post si Carlo sa Instagram ng litrato ng kamay din ng sanggol na hawak naman niya. Kita sa braso niya ang tattoo na “xpiotos.”

    Ito ay Greek name na Christos na, ayon sa Behind the Name website, may ibig sabihin na “anointed.” Ginamit daw ang pangalang ito ng mga early Greek-speaking Christians patukoy kay Jesus Christ. Ginamit din ni Carlo, maging si Luane, bilang hashtag sa kanilang IG posts.

    Patula ang pagbibigay pugay ni Carlo sa kayang anak: “My legacy / My fervor / My entirety / My splendor / You are my life’s meaning / The purpose of my being / Like your name on my skin / I am with you thru thick and thin / I love you son / Mahal na mahal kita”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikinasal sina Luane at Carlo sa huwes noong November 28, 2019, anim na buwan pagkaraan ng kanilang engagement na ginanap sa Disneyland sa Anaheim City sa U.S. state ng California. Eight years silang magkasintahin bago lumagay sa tahimik.

    Isa si Luane sa mga host ng GMA-7 shows na Unang Hirit at Eat Bulaga! Kapuso contract artist din si Carlo, na huling napanood sa Filipino adaptation ng hit Korean drama na Descendants of the Sun.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles