embed embed2
  • Hot Mama! Tignan Ang Sexy Maternity Shoot Ni Luane Dy

    Nasa 39th week ng pagbubuntis ang Eat Bulaga! at Unang Hirit cohost.
    by Jocelyn Valle .
Hot Mama! Tignan Ang Sexy Maternity Shoot Ni Luane Dy
PHOTO BY @jcdgonz/Instagram
  • Masayang ibinahagi kamakailan ni Luane Dy sa Instagram ang ilang litrato na kuha sa maternity shoot niya kasama ng Nice Print Photography.  

    May pagka-daring ang isang litrato ng co-host ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga, kung saan bukas ang harapan ng kanyang puting kasuotan. Nakatingin siya sa kanyang baby bump na parang kinakausap ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Aniya sa caption, “Don’t know who you’ll be, but I know you’ll be everything.”

    Nagpaabot ng paghanga ang kanyang Instagram followers, kabilang ang kanyang katrabaho na si Lyn Ching sa GMA-7 morning show na Unang Hirit. Komento ng kapwa nila Kapuso talent na si Camille Prats, “Hot momma.” Napasabi naman ng “Huwaaaaw” ang isa pang Channel 7 host na si Iya Villania.

    What other parents are reading

    Ika-39 weeks na si Luane ng kanyang pagbubuntis sa panganay nila ng asawang si Carlo Gonzalez, isang aktor na kabilang sa Philippine adaptation ng sikat na Korean drama series na Descendants of the Sun. Ikinasal sina Luane at Carlo sa huwes noong November 28, 2019, anim na buwan pagkaraan ng kanilang engagement na ginanap sa Disneyland sa Anaheim City, California. Eight years silang magkasintahan bago lumagay sa tahimik.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nag-post din si Luane ng litrato nila ng mister na kuha sa kanyang maternity shoot. Saad niya sa caption na patungkol sa kanilang parating na anak, “Excited to meet this little person who is half me and half the one I love.” 

    Baby boy ang kanilang panganay, ayon sa Instagram post ni Carlo nang inanunsiyo niya ang pagbubuntis ni Luane noong December 31, 2019. Mula noon ay ilang beses pang nag-post ang GMA-7 actor ng baby bump ng kanyang asawa. Ang pinakahuli ay galing sa maternity shoot.

    What other parents are reading

     

    Sa isang post ni Carlo ay nag-react si Lyn Ching at nagsabing, “Ilang araw na lang!!! Okay ka pa ba?” Sagot ni Carlo, “I can’t wait!” Pagbati naman ni Lyn, “Wish you guys safety, good health, and easy birth, Bro.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Humanga naman ang ilan pa niyang Instagram followers sa nude photo ng kanyang asawa na nilagyan niya ng caption na “My sanity from uncertainty. I [heart emoji] U2!” 

    Kabilang sa mga nag-react ang celebrity mom na si Jackie Forster at daddy-to-be rin na si Rodjun Cruz. Komento naman ng isa pang celebrity mom na si Connie Sison, “Beautiful.” 

    Mayroon ding post si Carlo na magkasama sila ni Luane na litaw ang baby bump. Aniya sa caption, “3 soon,” at gamit ang hashtag na #GonziGang.

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles