diabetes,children health,covid-19,COVID-19 testing,covid-19 news,covid-19 vaccine,Posibleng Maging Diabetic Ang Mga Batang May COVID-19: Study,COVID-19, diabetes, COVID-19 in children, COVID-19 testing, COVID-19 vaccine,Posibleng tumaas ang tyansa ng mga batang tinamaan ng COVID-19 na maging diabetic, ayon sa pag-aaral ng CDC.
LifeNews

Posibleng Tumaas Ang Tyansa Ng Mga Batang Nagkasakit Ng COVID-19 Na Maging Diabetic: Study

Ginawa ang pag-aaral ng United States Centers for Disease Control and Prevention.
PHOTO BYShutterstock

Posibleng tumaas ang tyansa ng mga batang tinamaan at gumaling sa COVID-19 na magkasakit naman ng diabetes. Ito ay ayon sa pag-aaral na ginawa ng United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at nailathala nitong January 7, 2022.

Sabi pa ng mga researcher, puwedeng type 1 o di kaya type 2 na uri ng diabetes ang dumapo sa mga bata. Tinatawag din ang type 1 bilang juvenile diabetes dahil nagsisimula ito habang bata (basahin dito). Kilala naman ang type 2 bilang lifestyle diabetes dahil kadalasang sanhi ito ng maling diet sa adults.

Ang resulta ng CDC study ay hindi nalalayo sa resulta ng mga naunang pag-aaral na nagsasabing tumataas ang panganib ng pagkakaroon ng diabetes para mga nagkasakit at gumaling mula sa COVID-19.

Kabilang diyan ang pag-aaral na ginawa sa Europe, ayon sa artikulo ng New York Times. Nagpag-alaman daw ng mga researcher na tumaas ang bilang ng mga batang diagnosed ng type 1 diabetes sa simula ng pandemya.

Pero ang pag-aaral daw na ginawa ng CDC ang isa sa mga unang pagsusuri sa malawak na insurance claim databases sa U.S. para malaman kung gaano karami ang mga batang wala pang 18 years old ang diagnosed na ng diabetes pagkatapos nilang gumaling mula sa COVID-19.

Ginamit daw sa pag-aaral ang dalawang claim databases mula sa U.S. health plans upang masuri ang mga diagnosis ng diabetes sa mga kabataan sa nakaraang isang taon o higit pa, simula March 1, 2020. Ikinumpara ang mga batang nagkasakit ng COVID-19 at ang mga batang nakaligtas sa coronavirus.

Lumabas sa parehong databases na tumaas talaga ang bilang ng mga batang nagkaroon ng diabetes, nagkakaiba lang sa kung gaano karami.

Hindi lang malinaw kung pansamantala lang ang pagkakaroon ng type 2 diabetes o pangmatagalan na ito tulad ng type 1 diabetes. Ito ang pahayag ni Sharon Saydah, isang researcher sa CDC at ang pangunahing may-akda ng pag-aaral.

Ang mahalaga raw ay naipapatupad ang pagpapabakuna sa mga batang puwede nang makatanggap ng COVID-19 vaccine. Dagdag pa diyan ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing.

watch now

Makakatulong ang mga ito sa pagprotekta sa mga maliliit ng batang hindi pa puwedeng makatanggap ng bakuna. (Nasa plano na ang pagpapabakuna sa mga batang mula 5 hanggang 11 sa Pilipinas.)

Sabi rin ni Saydah na dapat bantayan ng mga magulang ang mga sensyales ng diabetes sa mga bata. Kabilang diyan ang madalas na pagkauhaw at pag-ihi, pati na madaling pagkahapo at pagpayat nang di sinasadya.

May mga nagsasabing sanhi rin ng diabetes ang pagkain ng matatamis. Pero totoo ba ito? Basahin dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close