-
Real Parenting Mom Whose Toddler Has Speech Delay, ADHD Shares Expert-Approved 'Hack' To Help Kids Focus
-
Toddler Got a Child 0 to 3 Years Old? 3 Signs You're Doing Parenting Right
-
Toddler Sabi Ng Mga Eksperto Ito Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Sinusunod Ng Anak Mo
-
Your Health FDA Warns Against 5 Face Mask Brands: Here Is A List That Is FDA-Approved
-
MMDA: 'No Weekend Sales Para Iwas Traffic Sa SEA Games'
Sa kasalukuyan, ang ban na nakapataw sa sales sa mga malls ay epektibo lamang kapag weekdays.by Ana Gonzales .

Kamakailan ay tinukoy na ng MMDA ang mga kalsadang maaaring maging choke-points o iyong mga lubhang magiging traffic sa paparating na Southeast Asian (SEA) Games mula November 30 hanggang December 11.
Kung nagmamaneho o nagco-commute sa Metro Manila, ilan sa mga kalsadang kailangan mong iwasan ay ang SLEX northbound lane, Mindanao Avenue, partikular na ang North Avenue papuntang NLEX, Roxas Boulevard corner G. Puyat (Buendia) Avenue, at Taft Avenue corner P. Ocampo Street. Makikita mo ang buong listahan sa website ng TopGear Philippines.
What other parents are reading
Bukod pa rito, nagsumite na rin ng mga iba pang mungkahi ang ahensya sa Malacañang kung paano mapapagaan ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada, lalo na’t nagsimula nang baguhin ng mga malls ang kanilang operating hours para sa nalalapit na shopping season.
Sa panayam ng Unang Balita ng GMA News, sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago na imunungkahi nilang ipasara ang Adriatico at P. Ocampo Streets na parehong malapit sa Rizal Memorial Stadium kung saan gaganapin ang ilang events ng SEA Games.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakikipag-ugnayan na rin ang MMDA sa mga pamunuan ng mga malls para imungkahing huwag nang magkaroon ng mga weekend sales para makabawas sa volume ng mga sasakyan sa lahat ng pangunahing kalsada. Ayon kay Pialago, pasok pa rin sa December Policy o BER months policy ang no-weekday sale. Ngunit dahil nga papatak sa Sabado ang opening ng SEA Games, kinakailangan pa ng dayalogo kasama ang mga pamunuan ng malls.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosWhat other parents are reading
Ayon pa sa MMDA, iminungkahi na rin nila sa mga paaralan ang pagpapatupad ng class holiday mula December 2 hanggang December 6, upang makatulong sa pagbawas ng mga sasakyang nasa kalsada.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network