embed embed2
  • Paghahanda Sa New Normal! Silipin Ang Pagbabago Sa Pagbisita Sa Derma At Buffet Dining

    Ito ay bilang pagsunod sa health at safety protocols.
    by Jocelyn Valle . Published Jun 12, 2020
Paghahanda Sa New Normal! Silipin Ang Pagbabago Sa Pagbisita Sa Derma At Buffet Dining
PHOTO BY @niuthepodium via Facebook (left) and @dochayden via Instagram
  • Bagamat pinapayagan na ang shopping malls at kanilang tenants na magserbisyo muli sa publiko, kinakailangan ang kanilang istriktong pagsunod sa ipinapatupad na health protocols bilang pag-iwas sa COVID-19 at pagkalat nito. Kaya naman gumawa sila, tulad ng Belo Medical Group at buffet company Vikings, ng kani-kanilang mga hakbang at paraan.

    Health protocols ng Belo Medical Group 

    Sa mga sangay ng medical aesthetic clinic na pag-aari ni Dr. Vicki Belo, ibayong pag-iingat ang kanilang pinapairal. Ipinaliwanag ito ng kapwa doktor at kabiyak ni Doktora Vicki na si Dr. Hayden Kho Jr. sa kanyang Instagram account.

    Ani Doc Hayden, ang pamantayan nila sa Belo Medical Group ay ang gabay sa lahat ng kanilang klinika. Aniya kinikilala na itong bilang “world-standard as it is now being referenced across the globe as the model for highest level of safety in medical aesthetics.”

    Isa-isa niya itong binanggit. Unang-una, kailangan daw sumailalim sa online COVID screening ang mga pasyente bago makapag-book ng appointment. Merong artificial intelligence (AI)-powered “Aesthetic Interest Questionnaire” silang sasagutan para malaman kaagad kung ano ang beauty concern at maiwasan ang paghihintay pagdating nila sa klinika.

    What other parents are reading

    Makakaasa naman ang mga pasyente na ligtas sila dahil regular ang COVID testing para sa mga empleyado ng Belo Clinic at may “round-the-clock sanitation” sa kinalulugaran ng mga klinika. Nagtalaga na sila ng temperature checks, disinfection mats, at sanitizer stations. Mayroon din daw silang patented Disinfecting Filtration System (DFS)-equipped air filters na nakakasala hanggang 0.003 micron particles sa bawat kuwarto.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa usaping medical aesthetic procedure, gumagamit sila ng acrylic barriers at plume scavenger para sa laser procedures at near-mouth procedures, pati na medical-grade far-ultraviolet C (UVC) cleaning. At sa pagsasara ng klinika para sa araw, nagsasagawa sila ng misting sa lahat ng silid at common areas. Kada linggo naman ang masusing paglilinis at disinfection.

    Ang lahat ng empleyado ay required na magsuot ng sariling personal protective equipment (PPE) ng kumpanya na tinatawag nilang “Belo Genius Gear.” Masusunod nila ang social distancing sa mga pasyente kahit sa pagbabayad dahil tumatanggap sila ng contactless payment.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Safety protocols ng Vikings 

    Sa kabilang banda, naglabas ng safety protocols ang SM Podium branch ng Niu by Vikings sa pamamagitan ng video sa Facebook page nito. Kalakip nito ang ilang pagbabago sa sistema nila sa buffet dining sa sandaling puwede na puwede na kumain sa mga buffet restaurants.

    Imbes na pumunta ang diner sa food station para siya mismo ang kumuha ng nais niyang pagkain, mananatili siya sa kanyang upuan at isusulat sa “disposable order form” ang gusto niyang kainin. Kukunin ang order form ng server at pagkatapos ihahatid nito ang pagkain sa mesa na nakabalot sa clear plastic gamit ang sanitized tableware. “Order all you can” ang pinapairal dito kaya para na ring nag-buffet ang diner dahil makakain niya ang lahat ng nais niya sa menu. 

    Ngunit bago pa makapasok ang diner sa restaurant, kailangan niyang mag-fill out ng health declaration gamit ang mobile phone. Iyong may aprubadong health declaration lamang ang papapasukin at bibigyan ng temperature check.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

    Sa mesa, dalawang diner lang ang puwede maupo, at hindi dapat magkatapat ng upuan para masunod pa rin ang social distancing. May face mask paper bag sa bawat mesa para doon ilagay ng diner ang suot na face mask bago siya kumain. 

    Mahigpit din ang pagpapatulad ng health and safety protocol para sa mga empleyado para masiguro ang kalinisan at kaligtasan nila at ng mga diner. Nariyan ang pagkuha ng temperature check, paglilinis ng kamay, pagsusuot ng PPEs, at pag-sanitize ng mga mesa at upuan sa kada dating ng diner.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ding glass shield sa bawat food station, at mga arrow sa daanan para hindi magkasalubong ang mga tao sa restaurant. Sa restroom naman, automated ang faucet at flush habang may footbars ang pintuan para maiwasan ang paghawak sa mga ganoong bagay.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close