Maraming magulang ang mulat sa usaping online sexual exploitation na bumubiktima sa mga kabataan. Kaya meron sa kanila ang nagkukusang mag-report ng “malicious” Facebook page para sana makatulong sa paglilinis ng social media platform na kinagigiliwan ng kanilang mga anak.
Ang problema, ayon sa ilang mommy sa Smart Parenting Village Facebook group, hindi sila sinasang-ayunan ng social media platform. Anila, sinasabihan sila na walang nilalabag na community standards ang mga nire-report nilang mga grupo.
Nag-ugat ang diskusyon ng mga mommy sa shared post mula sa official Facebook page ni Senator Risa Hontiveros nitong March 9, 2021.
Ibinalita ng senadora sa kanyang original post na may isang grupo sa social media platform, na may higit 7,000 members, ang nakaka-exploit ng maraming kabataan.
Sabi pa ni Senator Hontiveros, “May mga batang napipilitan magbenta ng sexual videos in exchange for money para sa modules nila for online hearing.
"Ilan pa kaya ang mga groups, mga messaging apps, Google drives na di natin alam na nangaabuso na pala ng ating kabataan?”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Naga-alala raw siya kung paano makakasiguro na inuuna ng social network sites ang kapakanan ng mga tao kesa sa kanilang mga produkto. Kaya ang panawagan niya ay i-review ang policies at community standards.
Huwag daw isang-tabi ang isyu at dapat magkaisa para malabanan ang online sexual abuse at exploitation sa mga kabataan.
Sa comments section ng shared post sa Smart Parenting Village Facebook page, ibinahagi ng isang mommy na parte ng kanyang advocacy work ang paghawak sa mga report ukol sa online sexual abuse.
Paliwanag niya, “The problem we deal with is the fact that Facebook and other social media platforms are not designed well enough to counter these situations.”
Dapat daw kasi hindi lang tinatanggal ng social medi sites ang mga nire-report na “sexual abuse images.” Kailangan maibestigahan din ang pagpo-post ng mga ganoong imahe sa pamamagitan ng “external investigations."
Dagdag pa niya, “More often than not, victims are left on their own to figure out how to get justice. Maraming groups sa FB that share nonconsensual images and videos. FB is not quick to remove them.”
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.