embed embed2
  • Online Sexual Exploitation Of Children: Ano Nga Ba Ito At Paano Maiwasan?

    Ibinahagi ng Child Rights Network Philippines ang lahat ng mga dapat mong malaman.
    by Jhem Bon .
Online Sexual Exploitation Of Children: Ano Nga Ba Ito At Paano Maiwasan?
PHOTO BY iStock
  • Naging bahagi na nga ng mga buhay natin ang paggamit ng internet at social media. Maging ang mga anak natin ay sanay na sanay na sa paggamit nito. Bagamat malaki ang naitutulong nito sa ating pang-araw-araw na buhay, lalo na ang social media, hindi maikakailang mayroon din itong mga dalang panganib kung hindi ito gagamitin ng tama. 

    Ang mga anak mo ang unang maaaring maging biktima ng mga panganib na ito kung hindi kayo magiging maingat. Sa kasalukuyan, patuloy na isinusulong ngayon ng non-government organization na Child Rights Network Philippines o CRN Philippines (Facebook: @CRNPhilippines) ang #ShutDownOSEC, na naglalayong matigil ang pang-aabuso sa mga bata sa pamamagitan ng internet.

    What other parents are reading

    Ano ang ibig sabihin ng OSEC?

    Ang Online Sexual Exploitation of Children o OSEC ay tumutukoy sa pagbabahagi o pagkakalat ng mga malalaswang larawan at video ng mga bata sa internet at pananamantala ng kamusmusan ng mga ito. 

    Noong nakaraang taon, anim na international nongovernment organizations ang nanawagan para sa mas maigting na implimentasyon ng mga batas at programang naglalayong bigyang proteksyon ang mga batang Pinoy laban sa online sexual exploitation.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon pa sa Department of Justice, noong 2018, nakatanggap sila ng halos 600,000 ng mga tips na may kasamang mga larawan at videos ng mga sexualized at inabusong mga bata. Lubos itong nakakaalarma dahil higit na mataas ito ng halos 1,300% kumpara sa bilang na naitala noong 2017.

    What other parents are reading

    Sino ang madalas na nagiging biktima ng online sexual exploitation?

    Isa ang mga batang Pinoy sa mga madalas maging biktima ng OSEC dahil na rin sa kahirapan. Malaki kasi ang ibinabayad ng mga tumatangkilik sa ganitong kalakaran. Bukod pa riyan, may mga magulang na pinipili ang ganitong buhay para sa kanilang mga anak dahil sa kawalan ng ibang paraan ng mapagkakakitaan. 

    Madali lang ding i-access ang internet dito sa ating bansa at madali lang ding bumili ng cellphone na pwedeng gamitin sa ganitong kalakaran. Nariyan pa ang hindi sapat na pag-gabay ng magulang maging ang kawalan ng tamang guardian, kaya naman maraming batang Pilipino ang nagiging biktima.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Ano ang epekto ng online sexual exploitatin of children?

    Ang epekto ng OSEC ay hindi lang sa pisikal na aspeto ngunit higit pa sa emosyonal at pangkaisipan. Ang pag-aabuso, pananamantala at pananakit sa mga bata ay maaring magdulot ng trauma na taon ang aabutin bago maghilom.

    Karaniwan ng mga nagiging biktima ay nahihirapang makipagrelasyon, nawawalan ng direksyon sa buhay, nagiging magagalitin, o 'di naman kaya ay nagiging mapag-isa. Ang iba'y nakakaranas ng depression o hindi naman kaya ay nagkakaroon ng anxiety disorder.

    What other parents are reading

    Paano panatalihing ligtas ang iyong mga anak mula sa sexual exploitation?

    Isa na yata sa mga pinakamalaking takot ng mga magulang ay ang maging biktima ang mga anak nila ng sexual exploitation. Kaya naman para masiguro mong ligtas ang iyong anak mula sa mga sexual predators, narito ang mga dapat mong gawin:

    1. Magtalaga ng rule kung ano ang pwede at hindi pwede

    Kailangang malinaw sa anak mo na bawal siyang makipag-usap sa mga taong hindi niya kilala. Dapat ay kontrolado mo kung gaano sila katagal online, ano ang mga websites na nabibisita nila, at kung sino-sino ang mga taong kinakausap nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    2. Maglaan ng sapat na oras kasama ang iyong mga anak

    Mahalagang nararamdaman nila ang iyong presence at alam nilang pwede silang maging open sa iyo. Kung may gusto silang i-download na mga bagong app, pwede ninyo itong gawin shared experience at learning opportunity. Sa ganitong paraan, nakikita mo ang ginagawa ng anak mo at natututo ka pa ng mga bagong bagay.

    What other parents are reading

    3. Kausapin mo ang anak mo tungkol dito at makinig sa kanila kung mayroon man silang sasabihin

    I-share mo sa anak mo kung ano ang sexual exploitation, lalo na kung naroon na sila sa edad na nagbabago na ang katawan nila dahil sa puberty. Maganda na bago pa man dumating ang panahon na ito, naituro mo na sa kanila na walang ibang pwedeng humawak sa mga maseselang bahagi ng kanyang katawan kundi ikaw lang at ang kanyang ama.

    Importanteng maglaan ng panahon para sa ganitong mga maseselang usapin dahil ito ang maaaring magligtas sa buhay ng anak mo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahat ng bagay ay may limitasyon. Mayroon man tayong kalayaang gumamit ng internet at social media, hindi nangangahulugang hindi na tayo magiging responsable at maingat. Isa ito sa mga dapat na unang matutunan ng anak mo lalo na't ipinanganak sila sa digital age. 

    What other parents are reading

    Kung may napag-alamang kaso ng online sexual exploitation of children, maari itong ireport sa pamamagitan ng pagtawag sa 1343 para sa Metro Manila at 02 1343 naman kung kayo ay nasa labas ng Metro Manila. Maari rin kayong magsumbong online sa www.1343actionline.ph.

    Hinihikayat din ng CRN ang lahat na ipakalat ang impormasyong ito sa inyong pamilya at kaibigan, sa mga estudyante at sa buong komunidad. Maaring i-download ang kanilang primer dito: bit.ly/OSECPrimer. 

    Magbasa at maging maalam. Tumulong tayo sa pagsugpo ng OSEC at iligtas ang mga bata sa kapahamakan.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close