embed embed2
Pokwang Sa Pagiging Single Parent: 'Hindi Karma Ang Mabiyayaan Ng Mga Anak'
PHOTO BY Instagram/itspokwang27
  • Kinumpirma ni Pokwang hiwalay na sila ni Lee O'Brian, ang ama ng ikalawa niyang anak na babae na si Malia Francine O'Brian.

    Sabi ng akres, na kilala rin sa tawag na Mamang, sa kanyang Instagram post, "Yes it's been seven months since tapusin namin ni Papang ang lahat."

    Papang naman ang tawag niya kay Lee, isang American actor na leading man niya sa pelikulang kinunan sa United States, ang Edsa Woolworth (2014).

    Paliwanag ni Pokwang, "Pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia."

    Dagdag pa niya, "Natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng Panginoon."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May isa pang anak na babae si Pokwang bukod kay Malia, 4, at iyon si Mae Subong, 26. Pero lalaki ang pananay niya, si Shin, na pumanaw noong 1998 habang nagtatrabaho siya bilang overseas Filipino worker (OFW) sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

    Nagbigay din ng pugay si Pokwang (Marietta Subong ang totoong pangalan) sa kanyang ina: "Ikaw aking nanay Gloria ang aking inspirasyon sa pagiging matatag at matibay na nanay. Salamat sa iyo at alam kong lagi kang nakagabay sa amin ng mga apo mo kaya ni minsan at kailan man di ka mawawaglit saking mga dasal."

    Pumanaw ang minamahal ni Pokwang na si Nanay Gloria noong October 2020.
    PHOTO BY Instagram/itspokwang27

    May mensahe si Pokwang sa mga kapwa niya single parent: "Hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya."

    Diin niya, "Hindi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa pagtatapos ng kanyang post, gumamit siya ng hashtag na #Wagmapagodparasamgaanak.

    Tips para sa mga working single parent

    Hindi biro ang solong magpalaki ng kahit isa, at lalo na ng higit pa, na anak. Kaya may mga payo ang isang corporate trainer, executive coach, at consultant:

    Humanap ng support group

    Huwag mahiyang humingi ng tulong sa ibang tao, gaya ng mga malalapit na kamag-anak at kaibigan. Maaari ring makipag-ugnayan sa mga grupo ng solo parents sa kinabibilangang simbahan o iba pang paraan.

    Asikasuhin ang back-up plans

    Dahil hindi lahat ng bagay sa buhay ay laging maayos ang takbo, mahalaga na alam mo ang gagawin sa mga oras ng emergency. Halimbawa: Kanino mo ibibilin ang bata kung magkasakit ang nakasanayan mo nang nagbabantay sa kanya? Kaya malaking tulong ang malawak na network of support.

    Ituloy lang ang buhay

    Ika nga kahit nag-iisa kang magulang, hindi mo kailangang ipagkait sa sarili mo ang kaligayahan. Maraming puwedeng gawin para sa enjoyment mo at iyong mga anak. Mag-schedule ng activities para sa inyong kasiyahan.

    Bigyan halaga ang kalusugan

    Hindi lang ito para sa iyong katawan pero pati na rin sa kinabukasan ng iyong mga anak. Kaya hinay-hinay lang sa overtime at huwag magpadala sa stress. Mainam din itigil ang mga bisyo, gaya ng sobrang pag-inom at paninigarilyo.

    Read also: GUIDE: Benefits for Solo Parents Under Expanded Law

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles