Nitong April 14 2021, nagbigay ng babala ang Star Magic laban sa online bashing at threat na natatanggap ng ilan sa kanilang mga artista. Kabilang diyan sina Carlo Aquino, Janella Salvador, at Markus Paterson, na kamakailan ay nanindigan para sa kanilang mga anak.
"Ang Star Magic ay lubos na nababahala sa pamba-bash at pagbabanta sa mga anak ng aming mga artista sa social media. Ang ganitong uri ng mga post ay iresponsable, walang puso, at nakakapanakit lamang ng kapwa," ayon sa statement na posted sa social media accounts ng talent-management arm ng ABS-CBN.
"Kasama kami ng aming artists sa pagtawag ng pansin sa mga posibleng paglabag sa mga batas laban sa child abuse (Republic Act 7610) at sa libel ng mga indibidwal na ito.
"Hindi kami mag-aatubiling magsagawa ng ligal na aksyon upamg mabigyan sila ng leksyon para sa sakit at trauma na kanilang naidulot."
Sinuportahan nina Carlo, Janella, at Markus ang hakbang na ginawa ng Star Magic sa pamamagitan ng pag-repost ng statement sa kani-kanilang Instagram Stories.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nagbigay si Carlo ng ganitong mensahe sa mga basher ng kanyang 7-month-old daughter na si Enola Mithi: "Bakit pati mga sanggol o batang walang kalaban laban? Wala ba kayong mga anak? Pamangkin?
"Huwag naman sana ganun kawalang puso. Ingatan natin ang mundong kakalakihan ng mga batang ito. Huwag nating hayaang maging marahas. Hindi lang para sa anak ng artista, pero para sa lahat."
CONTINUE READING BELOW
watch now
Sabi naman ni Janella: "For you sickos out there," habang saad ni Markus, "Nuff said." Nauna nang sumagot ang mag-partner sa bashers ng kanilang 5-mohth-old son na si Jude(basahin dito).
Bumuhos din ang suporta sa Instagram post ng Star Magic. Sabi ng isang commenter: "Dapat matigil talaga yang bashing."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Paalala ng isa pang commenter patungkol sa batas na nabanggit sa statement: "Republic Act 7610: Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act is applied to any child...famous or not."
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.