-
Baby Ni Regine Tolentino May Mataas Na Lagnat At Pulmonya Noong Ipinanganak
Kailan lang ina-announce ni Regine na nanganak siya sa kanyang pangatlong anak na babae.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments
Walang sisidlan ang saya ni Regine Tolentino na makapiling ang kanyang bagong silang at ikatlong anak na si Rosie Rignee. “Pure bliss,” aniya sa caption ng kanyang Instagram post nitong Huwebes Santo, April 9, 2020. Magkasama silang mag-ina sa litrato at naka-tag rito ang sanggol.
May Instagram account na ginawa si Regine para kay Baby Rosie na animo’y ang sanggol mismo ang nagsasalita. Saad niya sa profile, “Hi, I’m Rosie! I’ve got two older sisters” — sina Reigne at Reigen — “and awesome parents,” patungkol kay Regine, isang actress-dancer, at Dondi Narciso, isang filmmaker-photographer.
Dito inilahad ni Regine ang pinagdaanang pagsubok simula nang isilang si Baby Rosie noong March 17, 2020 sa St. Luke’s Medical Center. Ang taas ng kanyang lagnat na umabot sa 39.9°C at may kasama pang pulmonya.
Kuwento ni Regine sa isang post sa IG account ni Baby Rosie, anim na araw intubated ang anak at nakakahinga lamang nang maluwag sa tulong ng mga tubo na nakakabit sa kanyang munting katawan. Limitado din ang pagbisita ng kanyang mga magulang.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAniya ng caption, “I was extubated on March 22, after 6 days of having those tubes down my throat to help me breathe. I was brave during those days that I was alone because the hospital only allowed my parents to visit me from 5-8 p.m.”
What other parents are reading
Nang malampasan ni Baby Rosie ang una niyang linggo, bumuti ang kanyang paghinga kaya mahinang breathing assistance machine na lamang ang ipinapagamit sa kanya. Sinabihan daw siya ng doctors at nurses na mabilis ang kanyang paggaling. Dagdag pa sa captions, maayos ang kanyang pagdede sa tuwing dumadalaw ang kanyang breastfeeding Mommy Regine kasama si Daddy Dondi.
CONTINUE READING BELOWwatch nowSa kabila nito, kinakailangan pa rin ng sanggol na sumailalim sa ilan pang lab tests, vaccinations, at lumbar puncture procedure. Tinatawag din ang lumbar puncture na spinal tap, ayon sa website ng Mayo Clinic. Paliwanag ng nonprofit health organization na makakatulong ang ganitong procedure sa diagnosis ng serious infections, tulad ng meningitis.
Nagpasalamat ang account ni Baby Rosie sa mga nagdasal na gumaling siya, lalo na sa kanyang doctors at nurses na tinawag niyang frontliners sa St. Luke’s Medical Center. Ang huli daw ang nag-alaga sa kanya sa unang sampung araw ng kanyang buhay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNoong April 1, may Instagram post si Baby Rosie ng kanyang unang araw sa kanilang bahay. Aniya sa mga sumunod na post, “Finally in my cozy, comfy, and loving home with my family,” “Life is good,” at “Happy times are here to stay.” Sinabihan din daw siya ng kanyang pamilya na siya na ang bagong reyna ng tahanan.
What other parents are reading

- Shares
- Comments