embed embed2
  • Sukob? Suportado Ang Kasal Nila Sam Pinto At Anthony Semerad Ng Kanilang Pamilya

    Magbilas na ngayon sina Sam Pinto at Gwen Zamora.
    by Jocelyn Valle .
  • Ikinasal sina Sam Pinto at Anthony Semerad nitong March 8, 2021—o wala pang isang buwan pagkatapos ang pag-iisang dibdib ng twin brother ni Anthony na si David Semerad kay Gwen Zamora noong February 13.

    Para sa mga naniniwala sa pamahiin, sukob sa kasal ang magkapatid at kapwa professional basketball players. Pero walang epekto iyon sa naging takbo ng masayang okasyon na natatangi para kina Sam at Anthony.

    Nagpahayag ang newlyweds ng maiksi, pero makahulugang, mensahe para sa isa’t-isa sa pamamagitan ng Instagram.

    Sabi ni Sam, “Forever has a nice ring to it…Not really a cheesy person type of person buuuutttt I promise to spend the rest of my decades with you! I am so ready for our future to rock our world.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sagot naman ni Anthony, “I’m a married man! Excited for this new journey with you, Mrs. Semerad…Married my best friend.”

    Halos pamilya lang ang mga piling bisita nila Sam at Anthony sa kanilang civil wedding na ginanap sa Conrad Manila, isang hotel sa Pasay City. Kabilang doon sina Gwen at David. Bitbit pa ng mag-asawa ang kanilang one-and-a-half-year-old son na si Cooper.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nag-post pa si Gwen sa kanyang Instagram ng mainit na pag-welcome kay Sam bilang bagong miyembro ng pamilya Semerad. Kapansin-pansin na magkasundo ang magbilas na hindi nalalayo sa closeness ng mga asawa nilang kambal.

    Lahad ni Gwen para sa newlyweds, “So proud of these two’s relationship. They’ve mastered the skill of how to uplift and have each other’s back, front and sides! Always finding ways on making each other grow into the best versions of themselves. 

    “The world is clearly at their fingertips, they remain humble and kind…We love you as big as the sky! May the Semerad Empire be as bright as your hearts. Sammy!!! We officially sis in laws now!!!”

    Ikinasal naman sila Gwen at David sa bisperas ng nakaraang Valentine’s Day sa France. Bagamat hindi nakarating sina Sam at Anthony, kasalo ng mag-asawa ang iba pang kamag-anak ng mga Semerad. 



    Bilang pag-anunsiyo ng kanilang kasal, nag-post sina Gwen at David sa kani-kanilang Instagram account. Anila, “Meet the Semerads!!!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa ni Gwen patungkol kay David, “We did it!! I Love you as big as the Sky.” 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles