embed embed2
Isinara Ang Pinakamalaking Chocolate Factory Sa Mundo Dahil Sa Salmonella Outbreak
PHOTO BY Unsplash/Tamas Pap
  • Isinara ang tinaguriang pinakamalaking chocolate factory sa mundo dahil sa salmonella outbreak.

    Simula June 27, 2022, tigil-trabaho muna sa Barry Callebaut, isang pangunahing kumpanya ng tsokolate na tubong Switzerland pero nakabase sa bayan ng Wieze sa Belgium.

    Ito ay ayon sa statement ng kumpanya na ibinahagi noong June 30 at ibinalita ng CNN at iba pang media outlets.

    Nakasaad sa statement na natukoy nila ang sangkap na lecithin bilang sanhi ng kontaminasyon ng salmonella, na isang uri ng bacteria. Ipinaalam na rin ng kumpanya ang nangyaring kontaminasyon sa Belgian food authorities (FAVV).

    Nagbigay naman ng pahayag ang spokesperson ng kumpanya sa ulat ng Agence France Presse.

    Sabi ni Korneel Warlop ay apektado ang lugar sa factory na nakatoka sa liquid chocolate. Wholesale ang gawaan dito sa kada batch para sa 73 kliyente na gumagawa rin ng sarili nilang mga produkto.

    Lahad pa ng spokesperson na ang 72 sa 73 nilang mga kliyente ay kumpirmadong tinigil na ang delivery ng mga produkto na posibleng may halong tsokolate na kontaminado ng salmonella.

    Sa ganitong paraan napigilan ang pagdating ng mga produkto sa mga tindahan at maabot pa ng mga mamimili. Hinihintay na lang daw nila ang sagot sa huli nilang kliyete para matiyak na walang maaapektuhan ng salmonella outbreak.

    Sa kasalukuyan, wala pang natatanggap ang kumpanya na balita na nagkaroon ng exposure ang sinuman sa salmonella. Nagdudulot ang ganitong bacteria ng sakit na salmonellosis. Kabilang sa mga sintomas ang pagtatae at lagnat, pero mapanganib lang sa malalang kondisyon.

    Lahad pa ni Warlop na lahat ng produktong nanggaling sa kanilang factory na sangkot sa salmonella outbreak ay hinarang na. Karamihan sa mga ito ay naroon pa rin daw sa kanilang pagawaan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero, aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa mga customer na maaaring nakatanggap ng mga kontaminadong produkto.

    Dagdag niya na suspendido pa rin ang trabaho sa factory hanggang magbigay sila ng abiso kung kailan ito bubuksan muli.

    Hindi ng tinukoy ng spokesperson ang 73 nilang kliyente. Pero kilala ang Barry Callebaut bilang supplier ng cocoa at chocolate products sa mga kumpanyang tulad ng Hershey, Mondelez, Nestle, at Unilever.

    Nitong April 2022, ang kinagigiliwan ng mga bata na chocolate brand na Kinder ang nasangkot naman sa posibleng kontaminasyon ng salmonella. Kaya ilang uri ng Kinder chocolates ang pinatanggal sa mga tindahan sa United States nang panahon na iyon.

    Ang Kinder chocolates ay pag-aari ng Ferrero, na isang malaking kumpanya ng tsokolate sa Italy.

    Mga paalala para makaiwas sa salmonella

    Hindi lang sa mga malalaking pabrika nangyayari ang salmonella outbreak. Maaaring magkaroon ng exposure kahit sa bahay. Kaya mainam na sundin ang guidelines mula sa U.S. Food and Drug Administration at Philippine Food and Drug Administration:

    1. Maging mapanuri sa pagbili ng pagkain at kung saan bumibili.

    2. Maging malinis sa lahat ng oras sa preparasyon, pagluluto, at paghahain ng pagkain.

    3. Ihiwalay ang hindi pa lutong pagkain sa mga kinakain nang fresh o iyong ready-to-eat.

    4. Lutuin nang husto ang pagkain nang mapatay ang mga bacteria.

    5. Itabi at iimbak nang tama ang mga pagkain.

    Basahin dito ang tungkol sa food poisoning, lalo na kung apektado ang mga bata.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles