SSS,news,Tagalog,SSS loans,SSS loan condonation program,SSS Loan Penalty Condonation Program: Ano Ito At Paano Mag-Apply,sss, philippines social security system, sss advisory, sss loans, sss loan penalty condonation program,Kung napabayaan ang pagbabayad ng utang o loan sa SSS, may pagkakataong maitama ito sa pamamagitan ng loan condonation program ng ahensya.
LifeNews

Kung May Napabayaang Short-Term Loan Sa SSS, Puwede Itong Maayos Nang Walang Multa

Narito ang requirements ng programa ng SSS na loan penalty condonation.
PHOTO BYShutterstock

Kung napabayaan ang pagbabayad ng utang sa Social Security System (SSS), may pagkakataong ituloy ang obligasyon sa short-term loan nang walang multa.

Ito ay sa pamamagitan ng programa ng SSS na tinatawag na Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty.

Kwalipikado sa programa ang mga miyembrong kumuha ng salary loan, kabilang ang Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), pati ang calamity, emergency loan, at restructured loan.

Sa ilalim ng programa, pagsasamahin ng SSS ang orihinal na halaga ng inutang (principal amount) at tubo (loan interest) para isang utang na lang (consolidated loan) ang babayaran.

Samantala, pagsasamahin din ang lahat ng mga hindi nabayarang multa (unpaid penalties) at hindi na ito sisingilin kung mababayaran nang buo ang consolidated loan.

Para sa mga interesado, narito ang requirements:

  • May napaso (past-due) na short-term member loan
  • Hindi pa nabibigyan ng huling benepisyo (final benefit), tulad ng permanent total disability o di kaya retirement
  • Hindi pa nadiskwalipika dahil sa panloloko (fraud) laban sa SSS
  • May aktibong My.SSS account

Ang My.SSS ang online service portal ng SSS. (Basahin dito para sa registration at magkaroon ng aktibong account.)

Kung matagal nang hindi nakabisita sa account naging inactive na ito, kailangang magsadya sa SSS branch para maging aktibo muli ang account. Sa aktibong account, mag-log in at sundin ang mga direksyon sa protal tungkol sa loan penalty condonation program.

Kapag aprubado na ang aplikayon, puwedeng bayaran ang consolidated loan ng isang bagsakan (one-time payment) sa loob ng 30 araw, o calendar days, pagkatapos matanggap ang approval notice.

Puwede ring bayaran ang consolidated loan nang hulugan (installment). Kailangan lang munang magbayad ng paunang hulog (down payment) na katumbas ng hindi bababa sa 10% ng consolidated loan. Gawin ito sa loob ng 30 calendar days pagkatapos matanggap ang approval notice.

Ang natitirang halaga o balanse (remaining balance) ng consolidated loan ay maaaring bayaran ng hanggang 60 buwan, depende sa halaga ng utang.

Kung hindi makakasunod sa itinakdang payment terms batay sa consolidated loan agreement, ibabawas ng SSS ang balanse ng consolidated loan mula sa short-term benefits (sickness, maternity, or partial disability benefit claims) at sa final benefits (permanent total disability, death, retirement). Ito ay otorisado ng Social Security Commission (SSC).

watch now

Maaari ring ibawas ang balanse sa consolidated loan mula sa death benefit na matatanggap ng benepisyaryo ng miyembro o di kaya mula sa actual final benefit claims.

Paliwanag ni SSS president at chief executive officer (CEO) Michael G. Regino na nais ng ahensiya na kolektahin ang past-due loans mula sa kanilang mga miyembro. Pero naiintindihan nila ang malaking epekto ng pandemyang dulot ng COVID-19 sa kabuhayan ng maraming miyembro nito.

Kaya ginawa ng SSS ang programang tutulong sa pagbabayad ng utang sa pamamagitan ng pagbibigay patawad sa mga multa at nakakagaang paraan ng pagbabayad.

Read also: Send Your SSS Maternity Benefits Application Online

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close