Sa pamamagitan ng isang press release, ibinahagi ng Social Security System o SSS, ang magandang balita na makakatanggap, simula ngayong araw, ng 13th month pension ang mahigit kumulang 2.83 milyong pensioners ng ahensiya.
Ayon kay Aurora C. Ignacio, presidente at chief executive officer ng SSS, ang pension fund ay maglalabas ng Php12.71 bilyon para sa naturang 13th month pension.
“We have already requested our partner banks to credit the 13th month pension to the respective savings accounts of our pensioners on or before December 6 so that they could enjoy the money in time for the holiday season,” pahayag ni Ignacio.
Dagdag pa ng ahensiya, 7.6% na mas mataas ang halaga ng pension ngayong taon, kumpara sa Php11.81 bilyon noong 2018. Ito’y bunsod na rin sa pagtaas ng bilang ng pensioners na mayroon ang SSS ngayong taon.
Ang 13th month pension ay pwedeng kuhanin ng pensioners sa partner banks ng SSS o di naman kaya ay sa pamamagitan ng cheke. “The checks were released and mailed as early as November 26 so that our pensioners will receive it on time for the Christmas season. We are hoping that we will eventually shift 100 percent of our pensioners to through-the-bank system for faster, convenient and more secure way of receiving their benefits from the SSS,” sabi ni Ignacio.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.