SSS,news,Tagalog,SSS contribution,Dagdag Singil Sa SSS Contribution Simula January 2023,SSS, Social Security System, SSS contribution hike 2023, SSS contribution rate 2023, SSS contribution hike,May dagdag singil sa SSS contribution para sa mga miyembro nito simula sa papasok na taong January 2023.
LifeNews

Tataas Ang Singil Para Sa SSS Contribution Simula January 2023

Madadagdagan din daw ang pondo para sa mga benepisyo ng mga miyembro at pensyonado.
PHOTO BYfreepik/pressfoto

Tataas ang singil ng buwanang kontribusyon sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) simula sa January 1 ng parating na Taong 2023.

Ang bagong contribution rate ay papatak sa 14 percent, na mataas ng 1 percent kumpara sa kasalukuang 13 percent, ayon sa press release ng SSS na ipinadala sa Smart Parenting nitong Monday, December 19, 2022.

Sa ilalim ng bagong contribution rate, sasaluhin ng mga employer ang one-percent increase para sa mga SSS members na may employer. Kaya ang babayaran na ngayon ng mga employer ay tataas sa 9.5 percent mula sa kasalukayang 8.5 percent.

Ang mga empleyado naman ay mananatiling 4.5 percent ang kaltas sa kanilang suweldo bilang kontribusyon sa SSS.

Samantala, sasaluhin ang buong 14 percent contribution rate ng mga individual paying members dahil wala silang mga employer. Ito ang mga self-employed, voluntary, non-working spouse, at overseas Filipino workers (OFW) na miyembro ng SSS.

Inanunsyo rin ng ahensya na magkakaroon ng pagbabago sa minimum monthly salary credit (MSC). Aakyat ito mula sa kasalukuyang Php3,000 papuntang Php4,000. Sa kabilang banda, aakyat ang maximum MSC mula sa Php25,000 papunta sa Php30,000.

Paliwanag ng SSS na itatalaga ang 2023 contribution increase bilang pondo sa mas mataas na benefit disbursements para sa mga miyembro nito. Kabilang dito ang unemployment benefit at maternity benefit sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law (EMLL).

Wala kasing partikular ng pinagkukuhaan ng pondo para sa mga nasabing unemployment benefit at maternity benefit, ayon kay SSS president at chief executive officer Michael G. Regino. Pero patuloy ang ahensya sa pagbibigay ng mga ganoong benepisyo noon pang 2019.

Simula 2019 hanggang October 2022, nagmahagi ang SSS ng Php3.78 billion na unemployment benefit sa higit 287,000 na mga miyembro.

Ang annual maternity benefit disbursement naman ay umakyat ng 78 percent, mula Php7.07 billion noong 2018 papunta sa Php12.54 billion nitong 2022.

Ayon pa kay Regino, nakatulong ang pagtaas ng contribution ng mga nakaraang taon para palakasin ang benefit disbursements sa mga miyembro.

Katunayan, simula January 2019 hanggang October 2022, namahagi ang SSS ng Php822.86 billion ng benepisyo sa kanilang mga miyembro. Ito ay 38 percent na mas mataas sa ibinahagi noong January 2015 hanggang December 2018, na nagkakahalagang Php596.30 billion na benefit disbursements. Panahon pa iyon bago magkaroon ng pagbabago sa Social Security Law.

watch now

Sa ilalim ng Social Security Act of 2018, unti-unting magdadagdag ang SSS ng contribution rate hanggang marating nito ang 15 percent sa Taong 2025 (basahin dito).

Sinabi rin ni Regino na batay sa pinakahuling SSS actuarial valuation, ang pondo o fund life ay aabot hanggang 2054. Aniya, indikasyon ito na may sapat na pondo ang ahensya para suportahan ang short-term at immediate na pangangailangang pinasyal ng kanilang mga miyembro at pensyonado sa mga darating pang dekada.

Nagbibigay din daw ang bagong SSS contribution rate ng magandang oportunidad para matulungan ang mga miyembro na palakasin ang kanilang retirement savings. Ito ay sa pamamagitan ng mandatory provident fund program, o ang Worker’s Investment and Savings Program (WISP).

Basahin dito kung paano magsumite ng SSS maternity benefits claims.

View More Stories About

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close